Gabbi Garcia and Richard Yap
Courtesy: GMA Network and dreamscapeph (IG)
TV

Sparkle artists Gabbi Garcia and Richard Yap are off to Switzerland to make history!

By EJ Chua
Updated On: May 25, 2023, 01:39 PM
'Unbreak My Heart' stars na sina Gabbi Garcia at Richard Yap, sumunod na kina Joshua Garcia at Jodi Sta. Maria sa Switzerland.

Ilang araw matapos bumiyahe sina Unbreak My Heart stars Joshua Garcia at Jodi Sta. Maria patungong Switzerland, sumunod na rin sa kanila ang Sparkle artists na sina Gabbi Garcia at Richard Yap.

Sa post ng Dreamscape Entertainment sa Instagram, makikitang magkasama sina Gabbi at Richard sa labas ng isang airport.

Sa hiwalay na posts, kapansin-pansin sa mga larawan ang hindi maitagong excitement ng dalawang aktor para sa biggest collaboration TV project na kanilang pagbibidahan.

Sa ilan pang larawan, makikitang inihatid ng kani-kanilang mga pamilya sa airport ang dalawang Kapuso stars.

Makikita rin sa isang larawan si Khalil Ramos na sumama sa mga magulang ng kaniyang girlfriend na si Gabbi sa paghatid sa aktres.

Bago bumiyahe, nakakuwentuhan muna nina Gabbi at Richard ang news team ng GMA at pati na rin ng ABS-CBN.Courtesy: dreamscapeph (IG)

Magtatambal sa upcoming drama series sina Joshua at Gabbi, at pati na rin sina Richard at Jodi.

Mapapanood din bilang love team sa serye sina Will Ashley at Bianca De Vera.

Matatandaang naunang bumiyahe pa-Switzerland ang Kapamilya stars na sina Joshua at Jodi at nagsimula na silang mag-taping doon para sa teleserye.

Sa isang panayam, ibinahagi nina Joshua at Jodi kung gaano sila ka-excited na makatrabaho at maka-bonding pa ang kanilang co-lead stars na sina Gabbi at Richard.

Opisyal na ipinakilala ang star-studded cast ng Unbreak My Heart noong January 23, 2023.

Bukod sa lead stars na sina Joshua, Gabbi, Richard, at Jodi, mapapanood din sa pinakaaabangang series sina Maey Bautista, Laurice Guillen, Nikki Valdez, Eula Valdes, Victor Neri, Gardo Versoza, at marami pang iba.

Sabay-sabay nating subaybayan ang Unbreak My Heart na mapapanood sa GMA at Viu ngayong 2023.

Abangan ang iba pang update tungkol sa upcoming teleserye.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNBREAK MY HEART SA GALLERY SA IBABA:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.