Filtered By: Showbiz News | News
Dina Bonnevie Danica Sotto Oyo Sotto
Photo by: dinabonnevie (IG)
Showbiz News

Dina Bonnevie, aminadong 'disciplinarian' noon pagdating kina Danica at Oyo Sotto

By Aimee Anoc
Updated On: February 13, 2023, 07:45 PM
Paano nga ba disiplinahin noon ni Dina Bonnevie ang mga anak na sina Danica at Oyo Sotto.

Aminado ang batikang aktres na si Dina Bonnevie na matindi siyang dumisiplina noon sa mga anak na sina Danica Sotto-Pingris at Oyo Sotto.

Sa interview kay Ogie Diaz, ikinuwento ni Dina kung paano nga ba niya dinidisiplina noon ang mga anak kay Vic Sotto kapag may nagagawa itong mga pagkakamali.

Ayon sa batikang aktres, lumaki siya na kapag may kasalanan ay pinaluluhod sa monggo, pinapagrosaryo, at pinaluluhod sa bigas, na hindi raw niya nagawa noon kina Danica at Oyo.

"Sabi ko nga e, children learn from their parents or children learn what they see. Paano ba kami lumaki? Kapag may kasalanan kami pinaluluhod sa monggo, pinagro-rosaryo ng ilan tapos nakadipa kami na may dalawang libro, tapos kung hindi masyadong grave 'yung kasalanan luluhod ka sa bigas, 'pag malala luhod sa monggo plus may sinturon ka pa," kuwento ni Dina.

Photo by: dinabonnevie (IG)

Nang minsang may nagawang pagkakamali si Danica at napalo ng amang si Vic ay ipinaliwanag daw nila nang maayos sa anak kung bakit nila nagawa iyon.

"Nakakatawa 'to si Danica nu'ng maliit s'ya, sa pagkaselosa n'ya kay Oyo ginuyod n'ya 'yung tsupon ni Oyo sa floor na may floorwax. So iyak nang iyak si Oyo, sabi ko, 'Danica what did you do? Mama just took a bath."

Sagot sa kanya ni Danica, "I didn't do anything." Sunod na tanong daw ni Dina sa anak, "Why is Oyo crying?" At pagtingin niya, "What is this? Why is the nipple of the bottle like this, it's red?"

"Mama because I put it on the floor," sagot sa kanya ng anak. "'I don't like a baby brother. I want only me.'"

Ayon kay Dina, napasabi na lamang siya ng "maldita ka gusto mong patayin 'yung kapatid mo. Sabi ko, talagang maldita ka paluluhurin kita sa bigas. Nakakaloka, syempre that time hindi pwede kasi daddy niya apple of the eye [siya]. Hindi pwedeng parusahan ang bagets, pagsabihan lang daw.

"Pero pinalo naman s'ya ni Vic nang kaunti lang... after n'yang pinalo sabi n'ya, 'Do you know why I spanked you?"

Sagot ni Danica sa ama, 'No, that hurts.' Paliwanag naman ni Vic sa anak, "Why did I spank you? Because daddy wants to discipline you."

"E 'yun naman 'yung sinasabi n'ya sa akin kapag pinalo mo 'yung bata explain mo kung bakit. Hindi 'yung pinarusahan mo na lang bigla para kang si Hitler, tapos bahala na lang si Batman. So 'yun yung natutunan ko, dapat after the punishment kausapin mo na, 'Why do you think I punished you?' Para ma-realize n'ya na, 'I did something wrong," paliwanag ni Dina.

Photo by: dinabonnevie (IG)

Dagdag ng batikang aktres, kahit na ang tingin ng anak sa kanya noon ay "evil person, disciplinarian, at nakakainis" dahil lahat na lang ay may rules, ngayon ay masaya si Danica sa ginawang pagdidisiplina sa kanila ng mga magulang.

"But now, sabi niya, 'When I look back, I'm so happy that you trained me to be like that. To take care of myself, to preserve myself, to be my own woman, to put up my own business. Because now I see the value, everything you ever told me as a child I do the same now to my kids.

"Kasi nga, di ba, turuan mo lang ng isang matindi, pero sinumbong n'ya ako sa daddy n'ya. Syempre ako 'yung pinagalitan ng daddy n'ya, 'That's my brand of discipline.' Pero ngayon', anong sinabi ni Vic, 'I'm so thankful for the way you raised my children.' Lahat pinupuri dahil napakadisiplinado ng mga bata, magalang," sabi ni Dina

Binalikan din ni Dina ang kaparehong karanasan niya noon sa ama, na aniya, ay "hate na hate" niya noon.

"Kasi minsan, you don't realize. Ako rin I hated my dad noon, gusto kong lumayas dito, gusto kong magwala kasi nakakainis ang tatay ko... kapag hindi nakaka-'A' sa card kailangan 'A'. Talagang hate na hate ko ang tatay ko noon pero when I look back na parang dad was always saying, 'Oh! You only got a 'B'? I know you can get an 'A' shame on you! You can do better than this.'

"Pero dahil doon ilang beses akong nag-honor student and then you become an achiever. And then when you look back, 'My dad is right."

TINGNAN ANG AGELESS BEAUTY NI DINA BONNEVIE SA GALLERY NA ITO:

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.