Sanya Lopez, todo workout para sa kaniyang fights scenes at costume sa 'Mga Lihim ni Urduja'
Matinding workout ang ginagawa ng Kapuso actress na si Sanya Lopez bilang paghahanda para sa kaniyang gagampanang role sa inaabangang mythical primetime megaserye na Mga Lihim ni Urduja.
Sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute, ikinuwento ni Sanya na seryosong diet at workout ang ginagawa niya upang makondisyon ang kaniyang katawan para sa kaniyang mga gagawing fight scenes sa naturang serye.
Aniya, “Binigyan kami ng chance na makapag-workout so nagpapa-abs ulit ako. Meron na ulit tayong mga action na ginagawa so kaya kailangan nating magbalik-alindog program again.”
Bukod sa fight scenes, pinaghahandaan din ni Sanya ang costume ng kaniyang karakter na si Hara Urduja.
Ayon sa Sparkle star, biniro siya ng direktor ng serye na si Jorron Monroy nang tanungin niya ito tungkol sa kaniyang susuoting costume.
“Ano po pala 'yung costume ko dito direk? Sabi nila sa'kin… Ah wag kang mag-alala Sanya, wala kang costume... Kaya ayon, sobrang sexy niya talaga. May moment na ganon. Dun natin makikita yung mga hiyas ni Urduja. Napaka-colorful nung damit niya,” kwento niya.
Bago ang Mga Lihim ni Urduja, mapapanood muna si Sanya sa upcoming three-episode ng Tadhana kung saan makakasama niya sina Lianne Valentin, Gil Cuerva, at Royce Cabrera.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG 'MGA LIHIM NI URDUJA' SA GALLERY NA ITO: