
Kahit mahigit tatlong dekada na sa show business si Ice Seguerra, inamin niyang kinakabahan pa rin siya sa tuwing may big concert ito.
Sa darating na February 18, gagawin ang kaniyang Becoming Ice anniversary concert sa Waterfront Cebu City.
Unang isinigawa ni Ice ang kanyang 35th anniversary concert noong October 2022 sa Solaire Resort and Casino sa Parañaque City.
Sabi ng "Pagdating ng Panahon" singer tungkol sa kaniyang Cebu show, “Woooooh! Naaalala ko when we first did the show sa Solaire. Ibang klase yung kaba at stress na naramdaman ko. It's always a different feeling headlining a major concert at kahit ilang taon ko na ginagawa to, hindi nagababago yung pre-show jitters.
“Pero nung isa-isa nang nag confirm yung mga guests, gumaan pakiramdam ko coz I knew I'd be sharing the stage with friends. Napakaswerte ko na kahit big names sila sa industriya, mabilis na "yes" agad when I asked them to be part of the show.”
Makakasamang muli ni Ice sa kaniyang concert si Bossing Vic Sotto at aktres na si Sylvia Sanchez, na co-producer ng concert. Mapapanood din sina Martin Nievera, Bayang Barrios at Frenchie Dy sa Becoming Ice concert.
Unang sumikat si Ice na noon ang pangalan ay Aiza Seguerra nang sumali siya sa "Little Miss Philippines" ng Eat Bulaga noong 1987.
TINGNAN ANG ILANG HIGHLIGHTS NG ANNIVERSARY CONCERT NI ICE LAST YEAR: