Manilyn Reynes at Paolo Contis, pinarangalan sa 35th PMPC Star Awards for TV
Angat ang galing at talento ng mga Kapuso comedy stars sa katatapos na 35th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television noong January 28 na idinaos sa Winford Manila Resort and Casino sa Maynila.
Inuwi ng Sparkle comedian na si Paolo Contis ang award na Best Comedy Actor para sa performance niya sa longest-running gag show na Bubble Gang.
Makailang ulit na rin nagkamit ng pagkilala si Pao sa Star Awards nang manalo ito ng Best Actor award in a mini-series ng apat na beses.
Samantala, back-to-back winner din ang multi-talented performer na si Manilyn Reynes matapos itanghal na Best Comedy Actress ngayong taon.
Matatandaan na nanalo rin si Manilyn sa 34th Star Awards for Television para sa pagganap niya bilang Elsa Manaloto sa well-loved sitcom na Pepito Manaloto na pinagbibidahan din ng creative director na si Michael V.
Kinilala rin ang Pepito Manaloto na Best Comedy show ng PMPC.
Silipin ang listahan ng mga nanalo sa 35th Star Awards for TV DITO.
TINGNAN ANG ILAN SA AMAZING FACTS TUNGKOL SA PABORITO N'YO NA CELEBRITIES: