'Unbreak My Heart' actor Joshua Garcia feels excited to work with Gabbi Garcia and their co-stars
Kasunod ng official announcement tungkol sa pagsasanib-pwersa ng TV giants na GMA at ABS-CBN kasama ang Viu Philippines, hindi na maitago ng Unbreak My Heart stars ang kanilang excitement para sa nalalapit nilang pagsasama-sama.
Sa story conference ng upcoming romantic-drama series, isa sa nagbigay ng pahayag tungkol sa pagkakabilang sa proyekto ay ang isa sa lead stars na si Joshua Garcia.
Pagbabahagi ng tinaguriang This Generation's Ultimate Leading Man, “Honored and grateful to be part of this historical collaboration between ABS-CBN and GMA. Excited ako sobra to work with Gabbi [Garcia], Miss Jodi [Sta. Maria], and Sir Richard [Yap].”
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Joshua na nakakaramdam siya ng pressure pero mas matimbang ang excitement niya para sa kaniyang bagong TV project.
Ang teleseryeng ito ang kauna-unahang proyekto na pagtatambalan nina Joshua at ng Kapuso star na si Gabbi Garcia.
Samantala, opisyal na ipinakilala ang star-studded cast ng Unbreak My Heart nitong Lunes, January 23.
Bukod kina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria, mapapanood din sa serye ang seasoned actress at filmmaker na si Laurice Guillen, versatile actress na si Nikki Valdez, award-winning actress na si Eula Valdes, TV personality na si Maey Bautista, Kapuso star na si Will Ashley, rising star na si Bianca De Vera, at marami pang iba.
Ano kaya ang magiging role ni Joshua sa teleseryeng ito na mapapanood ngayong 2023?
Handa na ba kayong kiligin sa mga eksena ng ilan sa cast ng programa?
Huwag palampasin ang nalalapit na pagtatambal ng ilang Kapuso at Kapamilya stars para sa most anticipated series na Unbreak My Heart.
Abangan ang iba pang update tungkol sa unexpected at biggest collaboration na ito.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNBREAK MY HEART SA GALLERY SA IBABA: