IN PHOTOS: Thai celebrities na nakilala rin sa Pilipinas
Narito ang Thai artists na may fans din sa Pinas.
Nadech Kugimiya
Isa sa mga itinuturing na hottest celebrity si Nadech Kugimiya ngayon sa Thailand. Nakilala sa Pilipinas sa pamamagitan ng lakorn na 'Switch,' na ipinalabas dati sa GMA Heart of Asia.
Urussaya Sperbund
Katulad ni Nadech, unti-unti ring lumalaki ang Filipino fan base ng constant onscreen partner at girlfriend niyang si Urussaya “Yaya” Sperbund, na co-actor niya sa 'Switch.' Muli siyang napanood kasama si Nadech sa lakorn na 'The Crown Princess.'
BLACKPINK's Lisa
Kilala si Lisa bilang member ng Korean girl group na BLACKPINK, kung saan marami sa mga kanta nila ay paborito rin ng mga Pinoy.
GOT7's Bambam
Si BamBam ay ilang beses na nakapuntang Pilipinas para sa fan meets ng GOT7 sa bansa. Dinaluhan ito ng maraming fans.
Mario Maurer
Isa sa mga sikat na Thai celebrities dito ay si Mario Maurer. Bago pa magkaroon ng Lakorn na pinapalabas sa Philippine TV, sumikat na dito si Mario dahil sa pelikula niyang 'Crazy Little Thing Called Love.' Nagkaroon din siya ng iba't ibang projects and endorsements dito sa bansa.
Esther Supreeleela
May mga nakapansin na kahawig ni Sanya Lopez ang Thai actress na si Esther Supreeleela. Siya ang lead star sa unang Lakorn na pinalabas sa Pilipinas, ang 'You're My Destiny,' na umere sa GMA Heart of Asia noong 2018.
Chanon Santinatornkul
Blockbuster hit naman talaga ang pelikulang 'Bad Genius,' kung saan gumanap si Chanon Santinatornkul bilang ang scholar na si Bank.
Sattaphong 'Tao' Phiangphor
Si Tao ay nakilala sa Pilipinas dahil sa kanyang Thai drama na 'Princess Hours,' isang remake ng Korean drama na may parehong title.
Baifern
CLC's Sorn
Si Sorn ay isang contestant sa 'K-Pop Star Hunt' ng tvN. Ito ay sinubabaybayan ng maraming K-pop fans noon dahil din sa Pinoy co-contestants ni Sorn.
NCT's Ten
Isa sa mga rising k-pop groups ang NCT, at ang isa sa mga members nito na si Ten ay taga-Thailand.