Anthony Rosaldo admits feeling pressured for his role in the musical 'Ang Huling El Bimbo'
Dream come true para kay Kapuso Pop Rocker Anthony Rosaldo na mapabilang sa cast ng hit Filipino musical na Ang Huling El Bimbo.
Ayon kay Anthony, "silent dream" niya ang mapabilang sa isang musical play kaya naman masayang-masaya siya nang makuha ang lead role matapos ang ginawang audition.
"Pinalad po ako na matanggap at gumanap sa role ni young Hector, isa po 'yan sa mga lead roles ng Ang Huling El Bimbo The Musical. Ako po 'yung magiging ka-partner ng isa pang lead which is Gab Pangilinan who will play the role of young Joy," pagbabahagi ni Anthony sa Playlist Live noong January 13.
Bukod sa excitement, aniya ay, nakararamdam din siya ng pressure para sa role na gagampanan sa nasabing musical.
"This character is talagang essential s'ya sa story ng Ang Huling El Bimbo The Musical kaya talagang kailangang galingan natin. Also kasi 'yung mga gumanap ng young Hector before were amazing actors. There's a big shoes to feel in. This won't be easy sa akin kasi first time kong magiging part ng isang musical play and iba 'yung hardwork sa musical play kasi wala ritong take two, lahat dito ay isang take lang," sabi niya.
Kuwento ni Anthony, bilang paghahanda sa kanyang role ay sumali siya sa isang Jazz class na sinimulan niya noong nakaraang taon.
"Mahirap ang teatro so last year pa lang nag-start na akong mag-warm up. Mayroon akong sinalihan na Jazz class. I'm gonna go back na ulit sa classes soon kasi malapit na 'yung Ang Huling El Bimbo. Also araw-araw ko halos pinanood 'yung Ang Huling El Bimbo The Musical."
Simula Abril, mapapanood na ang hit Filipino musical na Ang Huling El Bimbo, kung saan tampok ang mga sikat na awitin ng OPM rock band na Eraserheads.
"Ang Huling El Bimbo The Musical will be staged this coming April 2023, specifically April 21st, that's gonna be our gala night, ang ating opening night. Iyan 'yung pinaka nakakakabang night for me kasi I heard... originally kasi 40 shows lang ang gagawin namin but expect more maybe 60 or 80 shows.
"So marami akong gagawing shows this year for Ang Huling El Bimbo. Pero that night will be the most frightening for me kasi first e," sabi ni Anthony.
Bukod kay Gab Pangilinan, makakasama rin ni Anthony sa 2023 run ng Ang Huling El Bimbo sina Gian Magdangal, Topper Fabregas, Nino Alejandro, Bullet Dumas, Paw Castillo, at Katrine Sunga.
MAS KILALANIN SI KAPUSO POP ROCKER ANTHONY ROSALDO RITO: