Article Inside Page
Showbiz News
Kakaibang weekend ang inyong mararanasan simula nitong Sabado, January 25, dahil may bagong program lineup na handog ang Kapuso network.

Kakaibang weekend ang inyong mararanasan simula nitong Sabado, January 25, dahil may bagong program lineup na handog ang Kapuso network.
Tuwing Sabado, iba-ibang blockbuster films na ang mapapanood at 2:45 p.m., pagkatapos ng
Eat Bulaga. Pagdating naman ng Linggo ng hapon, mas maaga nang mapapanood sina Chris Tiu at Moymoy Palaboy ng
iBilib. Tuloy ang experiment time sa napaaga nitong oras na 3:30 p.m., pagkatapos ng
True Horror Stories.
Mas magiging exciting naman ang inyong Sunday afternoons dahil susundan ang
iBilib ng the only showbiz authority, ang
Startalk, na dating napapanood tuwing Sabado ng hapon. Abangan ang mga pasabog na showbiz news sa kanilang unang pag-ere sa bago nitong timeslot.
Huwag palampasin ang mas pinagandang weekend lineup beginning this Saturday, January 25. For the latest news on your favorite Kapuso stars and shows, visit
GMANetwork.com. --
Text by Michelle Caligan, GMANetwork.com