Filtered By: Showbiz News | News
jayson gainza
Showbiz News

Jayson Gainza, iniiwasang makasalubong si Boy Abunda noon

By Kristian Eric Javier
Ano ang masasabi ni Jayson Gainza sa ini-impersonate niyang si Boy Abunda? Basahin dito:

Bilang isang komedyante, isa sa mga ginagawa ni Jayson Gainza ay ang pag-impersonate ng ibang tao, kabilang na ang mga kasamahan niya sa industriya. Isa sa mga pinakakilalang impersonation niya ay paggaya sa King of Talk na si Boy Abunda.

Sa panayam ng Mornings with GMA Regional TV, nagbigay ng mensahe si Jayson Kay Tito Boy.

“Message ko lang kay Tito Boy. Tito Boy, unang-una, sana ako naman yung gayahin niyo,” sabi niya.

Ikinuwento rin niya na kapag nakikita niya sa hallway noon ang batikang talkshow host, nag-iiba siya ng daan dahil nahihiya siya.

“Pero mabait naman si Tito Boy nung nag-guest ako sa show niya,” paglilinaw niya.

Kamakailan ay pumirma si Tito Boy para maging isang ganap na Kapuso sa isang homecoming event sa GMA Network. Dati nang parte ng GMA si Tito Boy nang mag-host siya ng showbiz-oriented talk shows tulad ng Show and Tell at Startalk noong 1994 hanggang 1999.

Inilahad din ni Jayson ang kasiyahan niya na kasama na niya uli ang King of Talk bilang isang Kapuso.

“Sana maituloy ko uli yung pag-iimpersonate ko sa kanya,” aniya.

Samantala, sinabi rin ni Jayson ang hiling na sana ay marami rin siyang ma-impersonate na Kapuso talents tulad ni Alden Richards.

“Si Alden nga gusto ko rin impersonte kaso lang nahihirapan pa ako... mga two months kaya ko na,” dagdag nito.

Panoorin ang kabuuan ng panayam kay Jayson dito:

Pumirma rin si Jayson para maging isang ganap na Kapuso noong November sa “Signed for Stardom” mass signing event ng Sparkle GMA Artist Center at kasabay niyang pumirma ang beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo.

Mapapanood si Jayson sa comedy series na Happy Together at bilang isang guest host sa TiktoClock.

TAKE A LOOK AT THE CAREER HIGHLIGHTS OF JAYSON GAINZA:

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.