Joaquin Domagoso, umani ng iba't-ibang parangal sa local at international award-giving bodies at festivals sa 2022
Ngayong 2022, pinatunayan ng Kapuso star na si Joaquin Domagoso ang kaniyang husay bilang isang artista.
Samu't saring parangal ang kaniyang natanggap mula sa international film festivals dahil sa kaniyang mahusay na pagganap bilang Knight sa thriller film na That Boy in the Dark ni Direk Adolfo Alix, Jr..
Noong November 23, hinirang si Joaquin bilang Best Actor sa 16th Toronto Film and Script Awards na ginanap sa Toronto, Canada.
Nagwagi rin siya bilang Best Actor sa 2022 Five Continents International Film Festival (FCIFF), isang online festival sa Venezuela.
Halatang ibinigay ni Joaquin ang kaniyang galing sa pelikulang ito dahil kamakailan lang nasungkit niya ang ikatlong award bilang Best Actor sa Boden International Film Festival na ginanap naman sa Sweden.
Sa local scene, itinanghal naman si Joaquin bilang 'Iconic Young Actor Ace of the Year' sa The Global Iconic Aces Awards 2022 at 'Promising Young Actor of the Year' sa 2022 Philippine Faces of Success.
Congratulations, Joaquin!
Simula January 8, 2023 mapapanood ang That Boy in the Dark sa mga sinehan sa Pilipinas.
SAMANTALA, KILALANIN ANG GWAPONG ANAK NI ISKO MORENO NA SI JOAQUIN DOMAGOSO SA GALLERY NA ITO: