Article Inside Page
Showbiz News
Walong buwan din nating hindi nakita si Kapuso host-actress Camille Prats sa soaps ng GMA. Matapos nga ng paghihintay, ngayong 2014 ay magbabalik na si Camille sa Afternoon Prime block ng GMA via 'The Borrowed Wife'.

Walong buwan din nating hindi nakita si Kapuso host-actress Camille Prats sa soaps ng GMA. Pero kahit na nagpapahinga siya sa drama, araw-araw pa rin natin siyang napapanood bilang host ng female-oriented talk show na
Mars kasama si Suzi Entrata-Abrera.
Ang huling soap ni Camille ay ang
Bukod Kang Pinagpala kung saan ginampanan niya ang lead role na si Bessie. “This is the longest na wala akong soap na ginawa. Pero okay din siya kasi 'di ba I was doing
Mars naman so happy naman ako doon sa
Mars," kuwento ng Kapuso actress.
Dagdag pa niya, “masarap din 'yung medyo may break before 'yung start ng another project para kahit paano 'yung ating viewers medyo ma-excite naman sila doon sa bago nating project.”
Matapos nga ang paghihintay, ngayong 2014 ay magbabalik na si Camille sa soap dahil ibinigay sa kanya ng GMA ang title role na
The Borrowed Wife. Makakasama niya rito sina Rafael Rosell, TJ Trinidad, Pauleen Luna, Sherilyn Reyes, Yayo Aguila at Caridad Sanchez.
Ayon kay Camille, masaya siya nang malaman niya kung sino-sino ang makakatrabaho niya sa soap. “Excited ako kasi the people I'm working with (ay) sobrang friends ko,” aniya.
Kuwento ni Camille, naging close daw sila ni TJ nang magkasama sila sa isang episode ng drama-anthology series na
Magpakailanman. Si Rafael naman daw ay madalas na niyang nakakatrabaho dati pa.
“Sina Mommy Yayo and Mama Shei, parang mga nanay ko na sila so I'm very close to them. Si Nanay Caring din,” dagdag ng aktres.
Pero pahayag ni Camille, ang nilu-look forward niyang makatrabaho sa
The Borrowed Wife ay ang
Eat Bulaga host na si Pauleen Luna. Maituturing daw kasi niyang unang beses ang kanilang pagsasama sa gagawing soap.
“I’ve worked with her before but I was only a guest doon sa show nila. So it's very brief. Pero, first time naming magtatrabaho nang full length sa show talaga,” saad ni Camille.
Dagdag ng bida ng
The Borrowed Wife, “I'm very excited to be part of a show na alam ko na first time pa lang na magki-click kaming lahat doon. Happy talaga!”
Abangan si Camille Prats kasama sina Rafael Rosell, TJ Trinidad, Pauleen Luna, Sherilyn Reyes, Yayo Aguila at Caridad Sanchez sa
The Borrowed Wife, ngayong January na sa GMA Afternoon Prime.
For updates on Camille Prats and The Borrowed Wife, keep visiting www.gmanetwork.com.
- Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com