Filtered By: Showbiz News | News
Boy Abunda
Showbiz News

Boy Abunda on his return to GMA: 'I didn't lose my way back home'

By Jimboy Napoles
Matapos ang mahigit dalawang dekada, nakabalik na sa GMA Network ang TV host na si Boy Abunda.

Puno ng emosyon na humarap sa isang one-on-one interview kay Nelson Canlas ang batikang TV host na si Boy Abunda matapos ang kanyang naging contract signing sa GMA Network nitong Huwebes, December 15.

Sa nasabing panayam, ibinahagi ng nagbabalik-Kapuso na si Boy na ipinagpapasalamat niya sa Diyos ang kanyang itinuturing na pag-uwi sa unang niyang tahanan -- ang GMA.

“Ang bait ng Diyos. Kahit kailan naman Nelson hindi ako nawala. I didn't lose my way back home,” ani Boy.

Bilang nagbabalik-Kapuso, nangako ang premyadong TV personality na ibibigay niya ang kanyang oras at sipag para sa GMA Network.

Aniya, “Pupuhunanan ko ang panahon ko dito sa GMA-7, ng sipag, ng a lot of sense of wonder. I want to learn, I want to listen, but I want to be able to invent and reinvent, I'd like to be able to imagine and reimagine, and hopefully to come up with some things that are exciting.”

Hindi naman naiwasang maging emosyonal ni Boy nang tanungin siya ni Nelson kung ano ang mensahe niya sa kanyang sarili sa panibagong yugto ng kanyang karera sa show business.

“Magpasalamat ka dahil ang bait ng Diyos at pagbutihan mo, pagbutihan mo. Ang lakas pa rin ng loob mo,” nagpipigil ng luha na sinabi ni Boy.

“'Yun naman ang puhunan ko, noong ako'y nag-uumpisa pa lamang sa industriya,” ani pa ni Boy kay Nelson.

Bago pa man ang kanyang pagbabalik-Kapuso, nauna nang sinabi ni Boy sa ilang mga interview kamakailan na gusto niya nang makabalik sa telebisyon.

Aniya, “'Yung nauunawaan kung nasaan ako. Kasi hindi naman na ako 20 years old. I'm not starting a career on television. If there's one immutable law in the business, it is that nothing lasts forever.”

“So I'm at that stage where I want to go back to where I want to be able to do what I do best,” dagdag pa niya.

Ilan sa mga tumatak na programa ni Boy noon sa GMA ay ang showbiz-oriented talk shows na Show and Tell at Startalk taong 1994 hanggang 1999.

BALIKAN ANG MGA NAGING KAGANAPAN SA CONTRACT SIGNING NI BOY ABUNDA SA GMA NETWORK SA GALLERY NA ITO:

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.