
Kinilig ang Kapuso actress/vlogger na si Herlene Budol nang makita niya ang bago niyang billboard sa EDSA na matatagpuan sa may bandang Ortigas.
Ito ay para sa ineendorso niyang clothing brand.
"Edsa Ortigas naka balandra ang Hipon Girl nyo. Thank you @jagjeans76. Ganda ng Pamasko nyo sa akin," sulat ni Herlene sa Instagram.
Sa hiwalay na post, inanunsyo ni Herlene na mayroon na rin siyang billboard sa isa pang major highway sa Metro Manila na makikita sa Alabang Skyway Toll Plaza.
Biro tuloy ng komedyante, "Mga KaSquammy, KaHiponatics, at KaBudol ko dyan, Look oh...Asa Alabang Skyway Toll Plaza naman ako ngayon maniningil ng Toll gate. Chareet lang!!"
Bago pa ito, lumitaw si Herlene sa isang 3D billboard sa EDSA Boni.
Bukod sa modeling, umaasenso rin ang kanyang acting career dahil magkakaroon na rin siya ng sarli niyang teleserye na pinamagatang Magandang Dilag na mapapanood soon sa GMA.
TINGNAN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI HERLENE BUDOL DITO: