Filtered By: Showbiz News | News
Aidan Veneracion
PHOTO COURTESY: aidanveneracion (IG)
Showbiz News

Aidan Veneracion talks about his experience on his first acting job in 'Wish Ko Lang'

By Dianne Mariano
Kumusta kaya ang naging karanasan ni Sparkle actor Aidan Veneracion sa set ng 'Wish Ko Lang?'

Unang napanood ang Sparkle newbie na si Aidan Veneracion sa “Nasagasaan ng Tren” episode ng wish-granting program na Wish Ko Lang.

Ayon sa Kapuso star, ito ang kanyang first acting job at nakatrabaho niya sa nasabing episode sina Lovely Rivero, Marnie Lapus, at ang bagong Sparkle artist na si Marco Masa.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Aidan noong November 20, inamin ng young actor na sobra siyang nanibago pero naging masaya rin ang kanyang karanasan sa set.

“Sobra akong nanibago kasi hindi ko alam 'yung culture ng set, ng taping, pero super saya at ang gaan ng trabaho namin. Thank you kay direk, sobrang bilis ng trabaho namin. Kay Direk Rommel, thank you so much kasi napakadaling katrabaho ni direk.

"At sa mga co-artist ko at sa first-ever screen mom kong si Tita Marnie, thank you so much kasi tinuruan niyo ako kung ano 'yung mga dapat kong matutunan,” kuwento niya.

Lubos na nagpapasalamat din si Aidan sa GMA at Sparkle GMA Artist Center dahil sa pagkakataon at pagtitiwala na ibinigay sa kanya para maging artista.


Aniya, “Bilang nagsisimula po ako sa showbiz, sobrang thankful po ako at grateful sa mga bosses po na binigyan po ako ng chance para maging artist ng Sparkle. Super thankful po ako sa lahat ng nagtitiwala sa akin.”


SAMANTALA, SILIPIN ANG GINANAP NA “SPARKLE FANS DAY: ISANG PASASALAMAT” SA GALLERY NA ITO.

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.