'Maria Clara at Ibarra' actors, tinitiis ang mainit na kasuotan para maipakita nang tama ang 'Noli Me Tangere'
Magmula nang isinulat ni Dr. Jose Rizal ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, malaki na ang pinagbago ng Pilipinas sa lahat ng aspeto ng buhay, lalong-lalo na nang umali ang mga Kastila matapos ang mahilig 300 taon.
Isa sa mga madaling makitang pagkakaiba ng panahon noon at panahon ngayon ay kung paano manamit ang mga tao. Noon ay pang-araw-araw na suotin ng mga tao ang pambasang damit na Barong at Baro't Saya, samantalang ngayon ay isinusuot na lamang ito sa mga espesyal na okasyon.
Kaya naman sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, nagtitiis ang mga bida nitong sina Barbie Forteza, Dennis Trillo, at Juancho Trivino upang maipakita nang tama kung paano manamit ang mga tao noon.
Ang karakter ni Barbie na si Klay ay laging nakasuot ng baro't saya kaya naman minsan ay nahihirapan siyang gumalaw suot ito, lalo na't kapag umulan at naging putik ang mga lupang kanyang tinatapakan.
"Actually, oo [mahirap] kasi nga lumalaban 'yung lupa dahil sa ulan, so medyo clay type na talaga 'yung lupa. Klay type," pag-amin ni Barbie sa panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras.
Samantalang si Dennis naman na gumaganap bilang Ibarra, nakasuot pa rin ng suspenders kahit hindi ito nakikita sa harap ng kamera.
Paliwanag niya, "Siyempre, kailangan lahat ng makikita nila, lahat period correct para, at least, maramdaman talaga nila 'yung period, 'yung panahon na 'yun."
"Oo, walang shortcut [pagdating sa costume], meron pa tong suspender sa loob. Hindi lang kita pero sinusuot pa rin para kumpleto 'yung outfit."
Kung damit lang naman ang pag-uusapan ay wala nang mas tatalo pa sa costume ni Juancho, na gumaganap bilang ang prayleng si Padre Salvi.
"Makikita niyo rin naman sa historical na mga litrato, makapal talaga 'yung mga suot ng mga pari kaya it is what it is, talagang tinitiis namin," saad ni Juancho.
Sa katunanyan, nagpasadya pa ang production team ng Maria Clara at Ibarra ng kwintas na suot-suot ni Tiya Isabel, ang karakter na ginagampanan ni Ces Quesada.
"Suot namin ito pero hindi nakikita, pero still, pinasadya talaga 'to na talagang 'yung design, kinopya pa sa mga libro dati," pagbabahagi ni Ces.
Patuloy na panoorin ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Naka-livestream din ito nang sabay sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Mapanood naman nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
SAMANTALA, SILIPIN ANG IBA PANG DAPAT ABANGAN SA BAGONG KABANATA NG MARIA CLARA AT IBARRA DITO: