Gabbi Garcia and Khalil Ramos perform song cover of Ben&Ben's 'Pagtingin' at 'Sparkle Fans Day: Isang Pasasalamat'
Kabilang sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa mga Sparkle artist na nagbigay saya sa Kapuso fans sa ginanap na “Sparkle Fans Day: Isang Pasasalamat” sa SM Skydome nitong Linggo, November 20.
Nagpakilig ang Kapuso couple sa stage nang awitin nila ang kanilang cover ng “Pagtingin,” na hit track ng bandang Ben&Ben.
Matatandaan na tampok ang dalawang Kapuso stars sa official music video ng “Pagtingin,” na ngayon ay mayroong mahigit 74 million views sa YouTube.
Bukod kina Gabbi at Khalil, ramdam din ang kilig vibes mula sa song and dance performances ng ilang Sparkle love teams.
Isang sweet na song number ang inihatid ng Sparkle sweethearts na sina Jamir Zabarte at Zonia Mejia, o mas kilala bilang JaNia ng kanilang fans.
Samantala, ipinamalas nina Allen Ansay at Sofia Pablo, o AlFia, ang kanilang galing sa pagsayaw at nakasama pa nila sa stage ang ilang miyembro ng Sparkada, na bahagi ng kanilang upcoming kilig series na Luv Is: Caught In His Arms.
Ang fan gathering event na ito ay paraan ng Sparkle para magpasalamat kanilang mga taga-suporta.
Bukod sa inihandang production numbers ng mahuhusay na Kapuso talents, mayroon din ilang masuwerteng fans na nanalo sa raffle draws at nakapag-uwi ng papremyo.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MGA NAGING PERFORMANCE NG KAPUSO STARS SA “SPARKLE FANS DAY: ISANG PASASALAMAT” SA GALLERY NA ITO.