Figure skating champ Skye Chua, lalaban sa Asian Open Figure Skating Trophy sa Indonesia sa Disyembre
Naghahanda ngayon ang Filipino figure skating champion na si Skye Chua para sa isang international figure skating competition.
Si Skye ang kakatawan sa senior skater ng bansa para sa Asian Open Figure Skating Trophy na gaganapin sa Oasis Centre Arena sa Jakarta, Indonesia mula December 7 hanggang December 9.
Ang international event na ito ay taunang figure skating competition kung saan naghaharap ang mga skater sa Novice, Junior, at Senior categories.
Hindi ito ang unang international competition ni Skye dahil ipinamalas na rin niya ang husay sa figure skating sa naganap na ISU Junior Grand Prix noong September 2021 sa Krasnoyarsk, Russia.
Bukod sa kompetisyon, excited si Skye para sa unang niyang serye sa GMA, ang first Filipino figure skating series na Hearts On Ice, na pagbibidahan nina Ashley Ortega at Xian Lim.
Abangan si Skye Chua sa Hearts On Ice, soon sa GMA.
TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG 'HEARTS ON ICE' DITO: