What's Hot

Julie Anne San Jose, nais maging inspirasyon para sa mga kababaihan sa 'Maria Clara at Ibarra'

By Marah Ruiz
Published November 5, 2022 11:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

David Beckham talks about power of social media, says 'children are allowed to make mistakes'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose Julieverse concert


Nais ni Julie Anne San Jose na maging inspirasyon ng mga kababaihan ang kanyang karakter sa 'Maria Clara at Ibarra.'

Tuluy-tuloy ang pamamayagpag sa primetime ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Kaya naman very grateful ang isa sa mga bida nitong si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose sa suportang patuloy na natatanggap ng kanilang programa.

"Sobrang nakaka-overwhelm and nakakataba talaga ng puso kasi from day one talagang sinubaybayan nila. Sana patuloy nilang subaybayan para din 'yung show kasi nga mas nakaka entertain na," pahayag ni Julie Anne.

Gumaganap siya sa serye bilang Maria Clara at umaasa siyang maraming mga kababaihan na mai-inspire sa kanyang karakter.

"Si Maria Clara kasi nae-envision natin siya as sobrang hinhin, very prim and proper. As time goes by, unti unti, nagiging tao si Maria Clara na mayroon din siyang sariling pag-iisip, mayroon siyang sariling desisyon at mas ina-assert niya 'yung sarili niya sa mga karapatan niya bilang isang babae," paglalarawan niya sa kanyang karakter.

Samantala, abala rin si Julie Anne sa paghahanda para sa JulieVerse, ang joint concert nila ng boyfriend na si Rayver Cruz na nakatakdang itanghal sa November 26 sa Newport Performing Arts Theater.

"Sobrang excited kaming dalawa kasi first concert namin together. May pagkakaiba ito sa 'Limitless.' Itong 'JulieVerse' concert, mas collabortive 'yung magiging konsepto ng concert. Gusto rin namin ialay ito para sa mga fans namin," lahad ni Julie Anne.

Dapat daw abangan dito ang isang malaking pasabog mula sa kanila ni Rayver.

"Sa bawat concert, kailangan laging may pasabog. Bagong pasabog ito, but not just me. We will do it together, so exciting. Excited din ako na mapanood si Ray. Nakaka-proud lang kasi lalo siyang gumagaling. Pagaling talaga siya nang pagaling," bahagi ng singer-actress.

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Samantala, patuloy na panoorin si Julie Anne San Jose bilang Maria Clara sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Naka-livestream din ito nang sabay sa GMANetwork.com/KapusoStream.

Mapanood naman ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.