Filtered By: Showbiz News | News
Faye Lorenzo, Baron Geisler
Source: fayelorenzo_, baron,geisler (Instagram)
Showbiz News

Concept story ni Faye Lorenzo na 'Doll House' kasama si Baron Geisler, nananatiling trending sa Netflix

By Jimboy Napoles
Isa ang Kapuso actress na si Faye Lorenzo sa bumuo ng istorya ng trending Netflix film ngayon na 'Doll House.'

Nananatiling trending sa video-on-demand streaming service na Netflix ang bagong drama film na Doll House na pinagbibidahan ng aktor na si Baron Geisler at ang baguhang batang aktres na si Althea Ruedas.

Ang naturang pelikula ay kuwento ng isang band vocalist na si Rustin (Baron Geisler) na nalulong sa bisyo at piniling bumalik sa bansa kung saan naroon ang kanyang anak na si Yumi (Althea Ruedas) upang makabawi rito matapos niyang iwanan habang nasa sinapupunan pa lamang ito ng kanyang ina.

Mula nang ilabas ang naturang pelikula, umani na ito ng sari-saring reaksyon at papuri mula sa mga manonood at ilang celebrities gaya nina Paolo Contis, Candy Pangilinan, at Aga Muhlach na humanga rin sa acting performance nina Baron at Althea.

Sa katunayan, dalawang linggong nasa first spot ng top trending films sa Netflix ang nasabing pelikula.

Lingid sa kaalaman ng lahat ng nakakapanood ng pelikula, isa sa bumuo ng konsepto ng kuwento ay ang Kapuso actress na si Faye Lorenzo.

Ayon sa isang report, ibinahagi ni Faye sa CEO ng MAVX Productions na si Erwin Blanco ang istorya ng isang batang babae na inaalala ang masasayang sandali kasama ang kanyang ama. Nangyari ito habang ginagawa nila ang pelikulang Ikaw sa Bicol noong 2021.

Matapos ito, inilapat ni Erwin at ng writer na si Rona Lean Sales sa isang script ang konsepto ni Faye at ngayon nga ay isa nang ganap na pelikula na Doll House.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SEXIEST PHOTOS NG SPARKLE ACTRESS NA SI FAYE LORENZO SA GALLERY NA ITO.

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.