Filtered By: Showbiz News | News
kara david
PHOTO COURTESY: GMA Public Affairs
Showbiz News

Kara David shares lessons she learned from 'I-Witness'

By Dianne Mariano
Anu-ano ang mga natutuhan ni Kara David sa loob ng mahabang panahong pagdo-dokumentaryo sa programang 'I-Witness?'

Isa sa mga tanyag at premyadong mamamahayag at dokumentarista sa bansa si Kara David dahil sa kanyang mga istorya tungkol sa buhay ng iba't ibang mamamayan at pagtulong sa mga nangangailangan, lalo na sa kabataan.

Kabilang sa mga award-winning documentaries ni Kara sa programang I-Witness ay ang “Ambulansiyang de Paa,” “Selda Inosente,” 'Buto't Balat,” at marami pang iba.

Sa isang panayam sa GMA Public Affairs host, ibinahagi niya ang mga aral na kanyang natutuhan sa loob ng dalawang dekadang pagdodokumentaryo sa nasabing programa.

Isa na rito ay ang kahalagahan ng pagpapakumbaba.

“Walang isang tao na may monopolyo ng kaalaman, lahat tayo puwedeng matuto sa isa't isa. So, kapag pumunta ka sa remote communities, huwag mong husgahan 'yung mga taong nakikita mo kasi posibleng may iba silang hugot at baka matuto ka pa sa kanila.”

“Natutuhan ko 'to sa mga katutubo, lalo na when I go to the remote communities na ang dami ko palang hindi alam at ang dami ko pang dapat matutuhan. And you learn that through experience kung makikipamuhay ka sa kanila.”

Bukod dito, natutuhan din ng itinuturing na “The Country's Premier Documentarist” ang halaga ng pagkakaroon ng malasakit sa kapwa.

Aniya, “Natutuhan ko talaga ito sa mga taong na-interview ko na 'yung tunay na pagtulong sa tao at tunay na serbisyo ay 'yung serbisyo na para ka ring nasasaktan kaya kailangan mo silang tulungan. Ito 'yung bagay na talagang hanggang ngayon nagpapasalamat ako na nakilala ko 'tong mga taong ito kasi tinuruan nila ako ng tunay na malasakit.”

Kaugnay nito, napatunayan din ni Kara--mula sa pagiging mamamahayag at dokumentarista sa mga programang I-Witness, Brigada, at Pinas Sarap--na ang Pilipinas ay punung-puno ng liwanag ng malasakit.

Patuloy niya, “Naniniwala ako na doon sa mga lugar sa kasuluk-sulukan ng Pilipinas, kung saan pakiramdam mo napakadilim, napakahirap, palaging may liwanag.”

"Favorite ko 'yun na sinasabi na sa pinakamadalim na bahagi ng Pilipinas, palaging pa ring may liwanag, may liwanag ng malasakit na namumutawi doon.”

SAMANTALA, SILIPIN ANG AWARD-WINNING SHOWS NG GMA PUBLIC AFFAIRS SA GALLERY NA ITO:

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.