GMA Logo Lee Jun-ho
Source: GMA Network
What's Hot

The Red Sleeve: Papayag na kaya si Sung Deok-im na maging dakilang tagapaglingkod ng hari?

By Abbygael Hilario
Published September 28, 2022 7:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

David Beckham talks about power of social media, says 'children are allowed to make mistakes'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Lee Jun-ho


Kahit na gaano pa kadahas si Yi San bilang hari, wala pa rin siyang laban sa babaeng kaniyang minamahal!

Ngayong hari na si Yi San (Lee Jun-ho), marami ang gustong patalsikin siya sa kaniyang trono!

Habang kausap niya ang kaniyang tapat na kawal, bigla na lamang dumating ang mga rebelde.

Nagtangka ang mga ito na patayin ang hari ngunit mabuti na lamang at nailigtas siya ni Oh Dae-hwan.

Nalaman naman ni Hong Deok-ro (Kang Hoon) na mayroong kasabwat ang mga rebelde sa loob ng palasyo kung kaya't ipinahuli niya ito.

Lee Se young Lee Jun ho

SOURCE: GMA Network

Nagtapat na rin si Yi San kay Sung Deok-im (Lee Se-young).

Tinanong niya si Deok-im kung payag ba ito na pakasalan siya at maging dakilang tagapagsilbi niya ngunit hindi siya sinagot nito.

Hinamon niya si Deok-im sa isang pustahan upang malaman na niya ang desisyon nito ngunit bigla silang nagkaroon ng tampuhan.

Sa kalagitnaan ng kanilang laro ay bigla na lamang nagselos si Yi San sa mga kaibigan ni Deok-im.

Ano kaya ang magiging desisyon ni Deok-im? Papayag na kaya siyang pakasalan si Yi San?

Abangan mamaya sa The Red Sleeve, 10:20 p.m., sa GMA Network.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG THE RED SLEEVE SA GALLERY NA ITO: