Sanya Lopez, naging onscreen partner ang artistang nakamayan niya noong siya ay 5 years old pa lang
Ilang nakakatuwang mga firsts ni Sanya Lopez ang kanyang ibinahagi sa bagong video sa Sparkle YouTube channel.
Nitong September 19, ibinahagi ni Sanya ang ilang mga firsts niya sa kanyang showbiz career at personal na buhay.
PHOTO SOURCE: @sanyalopez
Ayon kay Sanya, bata pa lamang siya nang first time niyang na-realize na gusto niyang mag-artista. Kuwento rin ni Sanya, 5 years old siya nang una siyang ma-starstruck sa artista.
Pag-amin ni Sanya, "Kuya Dingdong Dantes!"
Ayon kay Sanya, naibahagi niya na ito sa Kapuso Primetime King.
"Ikinuwento ko 'yan sa kanya before. Sa mga hindi nakakaalam naging partner ko po si Mr. Dingdong Dantes sa Cain at Abel."
Dagdag pa niya, "Mga 5 years old pa lang ako tapos grabe kinamayan niya ako kahit malagkit 'yung kamay ko."
Ang first biggest splurge naman ni Sanya ay ang kanyang sasakyan. Ayon sa aktres, "Hindi ako magastos e. Sabi nga hindi ako ma-branded na bags, ng sapatos, mas more on investment talaga. Sa lupa."
Panoorin ang ilan pang mga ni-reveal na firsts ni Sanya sa video na ito:
SAMANTALA, NARITO ANG HOTTEST PHOTOS NI SANYA: