Anjay Anson recalls his acting experience in 'Widows' Web'
Bago ipinakilala bilang bahagi ng Sparkada, kabilang si Anjay Anson sa cast ng kauna-unahang suspenserye ng GMA na Widows' Web.
Ang nasabing serye ay pinagbidahan nina Kapuso actresses Ashley Ortega, Pauline Mendoza, Vaness del Moral, at Carmina Villarroel. Gumanap naman si Anjay bilang Jed Sagrado Dee, ang nag-iisang anak ni Barbara (Carmina Villarroel), sa Widows' Web.
Sa ginanap na online media conference ng Sparkada, inamin ng aktor na nahirapan siya noong una sa kanyang mga eksena.
“Noong una po, medyo nahihirapan po ako and parang same nga rin po kay Sean, medyo stiff din po ako no'ng first kasi parang kinakapa ko pa po kung paano 'yung gagawin do'n.
“And noong naka-scene ko na po sila Ms. Mina, Ms. Ashley, habang tumatagal po nang tumatagal parang mas gumagaan nang gumagaan 'yung loob ko po kasi pinaparamdam po kasi nila na hindi po ako bago. Kaya wala naman po dapat ika-pressure. Ang laking tulong din po nila sa akin, super laking tulong po nila, lalo na po no'ng Widows' Web,” pagbabahagi niya.
Nakasama rin ni Anjay sa Widows' Web ang kanyang kapwa Sparkada na si Vanessa Peña, na gumanap bilang Nikki Suarez. Bukod dito, mapapanood din ang young actor sa Unang Hirit bilang UH Funliner.
Aniya, “Na-e-enjoy ko nga rin po 'yung every moment ng Unang Hirit kasi kahit saan po kami dalhin, natutuwa po ako kasi saktong sakto po sa amin 'yung activities na binibigay sa amin. And parang naco-conquer din namin 'yung fear namin, in a way, kasi may ibang mga pinapagawa po sa amin na talagang natatakot po ako pero once na nandoon ka na po on the spot parang 'game ito na 'yon.' Tapos after niyo pong magawa 'yon, parang gusto niyo na pong umulit nang umulit.”
SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI ANJAY ANSON SA GALLERY NA ITO.