Filtered By: Showbiz News | News
Arnold Clavio Arn Arn and Danilo Totong Federez
Showbiz News

Arnold Clavio mourns death of 'Arn-Arn' puppeteer Danilo 'Totong' Federez

By EJ Chua
Arnold Clavio on Totong: “He treated Arn Arn na tila buhay na nilalang … Napaka-professional ni 'Totong' sa pagbibigay ng saya sa umaga sa loob ng dalawang dekada …”

Kasalukuyang nagdadalamhati ang GMA News and Public Affairs personality at Unang Hirit host na si Arnold Clavio kasunod ng pagpanaw ng 'Arn-Arn' puppeteer na si Danilo 'Totong' Federez.

Namaalam ang 62-year-old puppeteer nito lamang Miyerkules, August 17.

Sa latest Instagram post ni Arnold, ibinahagi niya sa publiko ang mga kahanga-hangang mga katangian ni Totong hindi lang bilang isang puppeteer kundi bilang parang isa na ring kapatid.

Sa kalagitnaan ng kaniyang post, inilahad niya ang mensahe ng pasasalamat sa isa sa mga itinuring niyang kaibigan sa trabaho.

Pagbabahagi niya, “When I heard the sad news ng pagyao ni Danilo Federez o 'Totong' sa kanyang mga kaibigan, noong Miyerkules ng umaga, parang may part of me na nawala…

"Si 'Totong' ang kaluluwa ni Arnarn… Ang kanyang kanang braso ang nagpapagalaw sa kanyang bibig sa tuwing magsasalita …

"Hindi biro ang trabaho ni Totong bilang 'puppeteer'… Ilang oras din siyang nakaluhod pero walang reklamo… Napaka-professional ni 'Totong' sa pagbibigay ng saya sa umaga sa loob dalawang dekada…

"Saksi ako kung paano inalagaan at iningatan ni Totong si Arnarn na parang tunay niyang anak … Galit siya pag nakikitang pinaglalaruan si Arnarn … He treated Arnarn na tila buhay na nilalang … May respeto maging sa pagpapalit nito ng damit kapag may shoot kami ng OBB …

"When I visited him sa bahay niya noong November 2019, para sa show ni Jessica Soho (KMJS) , sobrang lungkot niya… He convinced me na handa na siya at kaya na niyang bumalik sa Unang Hirit… Si 'Totong' ay parang 'Kuya' ko na hindi ako nagkaroon… Sa mga pagsubok, siya ang aking tagapagtanggol.

"Para kay Arnarn , siya ay bahagi na lang ng alaala… Hindi buhay, hindi rin patay… Isang ulila na nilisan na ng kanyang ama.

"Paalam 'Totong'… Nasa mabuti ka nang kalagayan sa piling ng ating Amang lumikha … Isang maligayang paglalakbay … [pray emoji].”

Ang puppet na si Arn-Arn ay nakilala ng mga Kapuso bilang sidekick ni Igan sa GMA morning show na Unang Hirit.

SAMANTALA, TINGNAN SA GALLERY NA ITO ANG ILANG PERSONALIDAD NA GUMULAT AT NAGDULOT NG MATINDING LUNGKOT SA MUNDO NG SHOWBIZ DAHIL SA KANILANG PAGPANAW:

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.