Garrett Bolden is now in Guam for 'Miss Saigon'
Nasa Guam na ngayon si Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden para sa isang buwang training at rehearsals sa Miss Saigon.
Noong Hulyo, masayang ibinalita ng Kapuso singer na kabilang siya sa cast members ng sikat na stage musical para sa Guam tour nito na magsisimula sa Setyembre. Dito, gagampanan niya ang papel ni John Thomas.
Sa Instagram, ibinahagi ni Garrett ang excitement para sa magiging journey niya sa Guam.
"Excited for this journey. Guam here I come," sulat ni Garrett.
Sa kanyang Instagram stories, ipinakita ng Kapuso singer ang pagdating niya sa Guam at maging ang sunset nito.
Proud ding ipinasilip ni Garrett ang script at ID nito para sa Miss Saigon.
Samantala, ilan sa celebrities na nagpaabot ng pagbati sa bagong achievement na ito ni Garrett ay sina Anthony Rosaldo, Lani Misalucha, Danielle Ozaraga, Benjamin Alves, Zephanie, Mark Bautista, Jeremiah Tiangco, Rita Daniela, Bryan Del Rosario, Rigel Lyra Micolob, at TV host Suzi Abrera.
Umalis ng bansa si Garrett noong Biyernes, August 5. Makakasama niya sa Guam ang iba pang cast ng Miss Saigon.
KILALANIN SI KAPUSO SOUL BALLADEER GARRETT BOLDEN DITO: