What's Hot

Mark Bautista, nagpatayo ng building para sa kanyang pamilya

By Jimboy Napoles
Published July 22, 2022 2:08 PM PHT
Updated July 22, 2022 2:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Mark Bautista


Ipinasilip ni Mark Bautista ang kanyang ipinatayong bahay sa Cagayan De Oro City.

Itinuturing na bagong achievement ng singer-actor na si Mark Bautista ang kanyang naipatayong bahay na may sariling commercial space para sa kanyang pamilya sa Cagayan De Oro City.

Noong nakaraang taon inumpisahan ni Mark ang pagpapagawa sa nasabing bahay na talagang tinutukan niya mula sa disenyo katuwang ang kanyang kapatid.

Sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, ipinasilip ni Mark ang halos patapos na niyang bagong bahay.

"May commercial spaces sa ibaba and sa itaas, ginawan ko ng para sa brother ko na cafe or restaurant, tapos sa baba si mama, parang dream niya na magkaroon ng convenience store," kuwento ni Mark.

Inspirasyon ng Kapuso singer sa pagpapatayo ng naturang progressive building ang kanyang mga natutunan sa pinagdaanang COVID-19 pandemic.

Aniya, "Nag-iisip ako 'Ano pa ang puwedeng gawin?' Like meron akong nabili na lupa before, matagal na na parang commercial lot, if mawalan ako ng trabaho or something, at least mayroon akong backup na plan."

Ang kanyang bagong bahay ay regalo na rin niya para sa kanyang sarili bilang pagdiriwang ng kanyang ika-20 anibersaryo sa show business sa susunod na taon.

"I'm happy na unti-unti nang nakikita ko 'yung result ng aking pinaghirapan. And talagang grabe 'yun, talagang hindi ako gumagastos sa Manila, talagang hindi lumalabas, hindi nagpa-party, talagang sobrang focused at sobrang dinidisiplina ko 'yung sarili ko," ani Mark.

SILIPIN ANG NAGING PREPARASYON NI MARK SA PAGPAPATAYO NG KANYANG BAGONG BAHAY SA GALLERY NA ITO: