Kilalanin ang mga bida sa Korean fantasy series na 'Bride of the Water God'
Magsisimula nang maghatid ng kilig at adventure tuwing gabi ang Korean fantasy series na Bride of the Water God sa GMA, na pinagbibidahan nina Hallyu actor Nam Joo-hyuk at Shin Se-kyung.
Sa Bride of the Water God, makikilala si Nam Joo-hyuk bilang ang water god na si Habaek, habang gaganap naman si Shin Se-kyung bilang ang psychiatrist na si Lara. Makakasama rin nila sa seryeng ito sina Krystal Jung bilang Moora, Gong Myung bilang Biryeom, at Lim Ju-hwan bilang Henry.
Iikot ang kuwento ng Bride of the Water God sa paghahanap ng water god na si Habaek sa mga sagradong bato na nasa mundo ng mga tao. Kailangan niya ang makapangyarihang mga bato para maging hari ng kapwa niya mga diyos.
Pero hindi magiging madali ang paghahanap ni Habaek sa mga sagradong bato dahil sa pagkawala ng kanyang abilidad at kapangyarihan bilang isang diyos sa pagdating niya sa mundo ng mga tao. Dahil dito, kakailanganin niya ang tulong ni Lara para magtagumpay sa kanyang misyon.
Kilalanin ang cast ng Bride of the Water God sa gallery na ito:
Habaek
Si Nam Joo-hyuk ang gaganap bilang water god na si Habaek, na pumunta sa mundo ng mga tao para hanapin ang mga sagradong bato na makatutulong sa kanya para maging hari ng kapwa niya mga diyos.
Lara
Bibigyang-buhay ni Shin Se-kyung ang karakter ni Lara, isang psychiatrist na nakatakdang maging tagapagsilbi ng mga diyos. Kakailanganin ni Habaek ang tulong niya sa paghahanap sa sagradong mga bato, matapos na mawala ang abilidad at kapangyarihan nito bilang isang diyos sa pagdating sa mundo ng mga tao.
Moora
Makikilala si Krystal Jung bilang Moora, isang diyosa ng tubig at sikat na aktres sa mundo ng mga tao.
Bride of the Water God
Abangan ang Bride of the Water God, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 p.m. sa GMA.