Article Inside Page
Showbiz News
Bumisita sa set ng
Startalk TX ang Royal Couple of Drama na sina Aljur Abrenica at Kris Benal last September 21, 2013. Nakapanayam sila nina Alyssa Alano at Butch Francisco tungkol sa kanilang bagong show at marami pang iba. Alamin kung ano ang mga naging sagot ng Royal Couple of Drama.
Bumisita sa set ng
Startalk TX ang Royal Couple of Drama na sina Aljur Abrenica at Kris Benal last September 21, 2013. Nakapanayam sila nina Alyssa Alano at Butch Francisco tungkol sa kanilang bagong show at marami pang iba. Alamin kung ano ang mga naging sagot ng Royal Couple of Drama.
Naprepressure ba kayo sa bagong tawag sa inyo na Royal Couple of Drama?
Kris Bernal: “Ang hirap namang panindigan ‘yun. Sobra, ako nga ‘di ko alam kung tanggap ko ba ‘yun. Tanggap ba natin ‘yun? Para sa atin na ba talaga ang title na ‘yun. Pero, thank you sa GMA dahil sa title na nabigay niyo sa amin.”
Aljur Abrenica: “Oo. Siyempre, naprepressure po kami kasi ikaw ba naman ‘yung mabigyan ng titulo na ganun. Pero, at the same time mas nagpapasalamat ako, mas naapreciate po namin. Kasi, ‘yung pinagpaguran po namin ni Kris [Bernal] throughout the years, nabigyan nila ng pansin. We’re thankful na napapansin nila.”
Sino ang prinsipe o prinsesa ng buhay niyo?
Kris Bernal: “Para sa akin, siyempre, isa si Aljur [Abrenica] sa mga prinsipe ko. Si Aljur, daddy ko, mga fans ko, ‘yan ang mga prinsipe at prinsesa ko.”
Aljur Abrenica: “Ang prinsesa ko napakarami po, tintuturing kong prinsesa iyong kapatid ko, si Aliyah. Nag-iisa po naming babae ‘yan. ‘Yung nanay ko, ‘yun ‘yung prinsesa ng tahanan namin. Kami ni daddy, prinsesa ang turing sa kanya. Si Kris, siyempre, ‘yan ‘yung prinsesa ng buhay ko dito sa showbiz. Hindi na mapapalitan ‘yan. Pero sa personal ko meron din akong prinsesa. Alam niyo naman.”
Ano’ng chemistry meron ang love team ninyo kaya tumagal ng ganitong katagal?
Kris Bernal: “Siguro ‘yung pagiging natural lang namin, kasi kung makita kaming sweet, kung ano man ang nilalaman ng mga mata namin, ‘pag nakikita kaming umarte. Siguro, ‘yung pagiging natural lang. ‘Yun ang tunay na nararamdaman namin sa isa’t isa.”
Aljur Abrenica: “Siguro, ‘yung nakapagpatibay sa amin at kung bakit kami umabot dito kasi sa mga pinagdaanan namin. Isa ’yung pinagpapasalamat ko sa Panginoon, ‘yun gift of friendship na ibinigay sa akin ni God. ‘Yung friendship na pinagdaanan namin.”
Bago matapos ang panayam sa Royal Couple of Drama, nagiwan ng mensahe ang dalawa.
Kris Bernal: “Sana suportahan po ninyo ang ‘Prinsesa ng Buhay Ko’ bago mag-
24 Oras. Hinihingi po namin ni Aljur ang suporta ninyo. Sana po mahalin ninyo. Napakagandang kuwento. Romantic comedy po ito na may light drama.”
Aljur Abrenica: “Ang makakasama po namin dito eh walang iba kundi sina Renz Fernandez, LJ Reyes, Carmi Martin, Emilio Garcia, Jan Manual, Vincent Magbanua, directed by Direk Dondon Santos,” pagtatapos ni Aljur.
Huwag palampasin ang unang linggo ng ‘Prinsesa ng Buhay Ko’! Para sa updates ng paborito niyong Kapuso shows and stars, mag-log on lang sa
www.gmanetwork.com. --
Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.