Filtered By: Showbiz News | News
Anjay Anson and Jeff Moses and Alden Richards
PHOTO COURTESY: Sparkle GMA Artist Center and aldenrichards02 (IG)
Showbiz News

Anjay Anson, Jeff Moses hope to work with Alden Richards someday

By Dianne Mariano
Kung mabibigyan ng chance, nais nina Sparkada artists Anjay Anson at Jeff Moses na makatrabaho si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa isang proyekto.

Kabilang sina Anjay Anson at Jeff Moses sa pinakabagong youth-oriented group ng Kapuso Network na Sparkada.

Sa ginanap na online media conference ngayon (June 23), tinanong ang mga miyembro ng Sparkada kung sinong artista ang nais nilang makita ang kanilang sarili sa future.

Para kina Anjay at Jeff, ito ay si Asia's Multimedia Star at Start Up Ph lead na si Alden Richards.


Ibinahagi rin ng young stars na nais nilang makatrabaho ang kilalang aktor.

“I've said it before po and I'll say it again, si Alden po. Si Alden po 'yung pinaka-nakikita ko na super simple niya lang po, and ang galing niya sa craft niya, 'yung mga technique niya. Kaya gusto ko nga rin po siya makatrabaho sa susunod ko na project hopefully,” sagot ni Anjay.

Patuloy niya, “Sana po makatrabaho ko siya, at least para ma-guide niya rin po ako, and malaman ko rin po kung paano 'yung ginagawa niya kasi I really love his craft po talaga and super natutuwa po ako sa kanya.”

Ayon naman kay Jeff, si Alden ay isa sa mga pinakainiidolo niyang artista sa Kapuso Network.

Aniya, “Gusto ko rin po magkaroon ng same sa kanya ng parang superhero na mga soap and gusto ko rin maging leading man in the future. Isa siya sa mga pinaka-idol ko inside sa GMA, and I'm looking forward din po na makatrabaho siya soon.

“And also, mahalintulad 'yung sarili ko sa kanya. Kung hindi man, like magkaroon din man ako ng sarili kong path, 'yun po 'yung path na gusto kong tahakin in the future.”

Bukod kina Anjay at Jeff, kabilang din sa Sparkada sina Saviour Ramos, Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria, Sean Lucas, Kim Perez, Larkin Castor, Roxie Smith, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, Lauren King, Caitlyn Stave, Vanessa Pena, Tanya Ramos, at Dilek Montemayor.

Samantala, kilalanin ang mga miyembro ng Sparkada sa gallery na ito.

Related Videos
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.