IN PHOTOS: Meet and greet of new GMA Artist Center talents
Sa isang meet and greet event ay pormal nang isinapubliko ang mga bagong GMA Artist Center talents na dapat abangan ngayong 2018.
GMA Artist Center talents
Nitong March 22 ay pormal nang ipinakilala ang mga bagong GMA Artist Center talents na dapat abangan ngayong 2018. Ginanap ang meet and greet sa GMA Network Center.
JBK
Ang grupo nina Joshua Bulot, Bryan del Rosario, at Kim Ordonio na mas kilala bilang JBK ay isa na sa mga Kapuso performers na dapat subaybayan. Ang JBK ay sumikat sa kanilang stint sa 'X-Factor UK.'
Shaira Diaz
Mula sa 'That's My Bae' at 'Trops' si Shaira Diaz ay magpapakita ng iba pa niyang talento sa kanyang future projects sa Kapuso Network.
Joaquin Manansala
From commercial model ay isa nang Kapuso hunk si Joaquin Manansala. Abangan kung saang Kapuso program magpapakilig si Joaquin.
Donita Nose
Mas maraming kuwelang projects ang ating masasaksihan ngayong isa nang ganap na Kapuso si Donita Nose.
Kelley Day
Ang half-Filipina at half-British na si Kelley Day ay isa na sa mga beautiful faces of GMA. Siya ay kasalukuyang napapanood sa 'The One That Got Away.'