Filtered By: Showbiz News | News
Kim Domingo
Showbiz News

Kim Domingo, may na-discover daw na kakaibang ugali ni Alden Richards

By EJ Chua
Ano kaya ang nalaman ni Kim Domingo tungkol kay Alden Richards habang nasa taping ng 'Start-Up Ph?'

Sa pagbabalik ni Kim Domingo sa primetime TV, ibinahagi niya sa GMANetwork.com ang ilang detalye tungkol sa kasalukuyang taping ng upcoming GMA drama series na Start-Up Ph.

Pagbabahagi ni Kim, “Nakakadalawang taping pa lang ako, pero 'yun nga sobrang happy ako na isa ako sa mga napili para sa cast ng Start-Up Ph. Kinakabahan ako kasi siyempre, Alden [Richards] at saka Bea [Alonzo].”

Kasunod nito, ikinuwento ni Kim ang ilang experiences niya habang katrabaho ang tinaguriang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards, na malapit nang mapanood sa Philippine television bilang si Tristan “Good Boy” Hernandez.

“Actually, si Alden [Richards] makulit eh… talagang kalog. Lagi siyang nagjo-joke sa set, masaya. First time ko rin siyang makitang ganun kasi before akala ko seryoso, ganyan. Tapos noong nandoon na kami lagi siyang nagpapatawa. May side rin palang kalog si Alden na ngayon ko lang na-discover,” kuwento ng Kapuso comedienne.

Abangan si Kim sa Philippine adaptation ng Start-Up bilang si Stephanie, ang matalino ngunit mataray na babae na makakatrabaho nina Dani (Bea Alonzo) at Dave (Jeric Gonzales).

Samantala, silipin ang behind the scenes ng Start-Up Ph sa gallery na ito:

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.