What's Hot

Coaches Dulce at Rochelle Pangilinan, humanga sa contestants ng 'Anak Ko 'Yan'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 13, 2020 6:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Bukod sa tagisan ng galing ng mga contestants sa upcoming reality talent search na Anak Ko ‘Yan, dapat ding abangan kung paano sila matutulungan ng dance coach na si Rochelle Pangilinan at singing coach na si Dulce.

Bukod sa tagisan ng galing ng mga contestants sa upcoming reality talent search na Anak Ko ‘Yan, dapat ding abangan kung paano sila matutulungan ng dance coach na si Rochelle Pangilinan at singing coach na si Dulce.

Tuwing may performance, magkakaroon ng oras para komunsulta ang parent-child tandems sa dalawang beterana na sa industriya.

Sa isang panayan ng GMANetwork.com ikinwento ni Rochelle kung paano rin s’ya sinuportahan ng ina nung nagsisimula pa lang s’ya sa showbiz. “S’ya yung taga pigil ko. S’ya yung nagsasabi na, ‘parang medyo hindi ko gusto yung ginawa mo, parang sexy masyado,’ yung ganun,” sabi ng former Sexbomb dancer.

First time naman na napapayag si Dulce na makasama sa ganitong show. “In every project I actually pray about it. Since nandito ako, so the Lord allowed me to be here,” ayon sa talented Cebuana.

Nakilala ng dalawang coaches ang mga competing teams at ‘di pa man daw simula ng palabas ay pansin nilang may ibubuga lahat ng mga kasali.

“Lahat ng performance ng mga bata talagang karir! Parang uhaw na uhaw. Kasi ganun ako nung bata eh, uhaw na uhaw akong mag perform. At bukod sa talent nila at sa itsura nila, mas gumaganda at gumagwapo pag nasa stage sila. Yung isa kahit maliit tumatangkad sa paningin ko kasi ang galing sumayaw. Yung isa naman little mermaid na… nagbu-buwis buhay… lahat sila merong star quality,” sabi ni Rochelle.

Ayon naman kay Dulce, “Sa mga ganitong patimpalak, syempre they will really try and do their best. For sure makikita natin dito 'yung kakayanan nila as an over-all performer.” Matatandaan na maging si Dulce ay produkto ng isang talent search. Nanalo s’ya sa Tawag ng Tanghalan noong dekada ‘70 at doon na nagsimula ang kanyang maningning na career.

Kapwa naniniwala sina Rochelle at Dulce na bukod sa angking talento ng mga bata, mas malayo ang kanilang mararating dahil sa suporta sa kanila ng kanilang mommy at daddy.

“Pag may mother na involved eh… I’m sure na maraming lalabas na ideas, mas fresh, so tingnan natin kung ano pa talaga ang mangyayari,” ani Rochelle.

“Napakahalaga yung pag-aalalay ng mga magulang dahil sa dami ng mga [tools to learn] na available, kailangan marunong kang pumili kung ano yung nababagay sa kakayanan ng anak nila,” dagdag ni Dulce.

“Ako nakarating ako dito, puhunan lang dito, lakas ng loob talaga. Talent at lakas ng loob. Saka talaga sa buhay natin, dapat everyday laban,” payo ni Rochelle na nakilala rin sa kanyang pagiging palaban.

Nais naman ni Dulce na ibahagi sa mga bata ang mga natutunan n’ya sa halos apat na dekadang karanasan sa industriya. “I want to impart that, I want to share that. Kasi syempre may mga batang pa-usbong habang ikaw naman eh dumadating yung panahon na kailangan mo na ring mag-exit so mabuti yong naishashare mo yung mga natutunan mo sa kanila.”

“Kailangan yung heart and soul mo talaga, para maibigay mo talaga yung hinihingi talaga whether its acting, dancing or singing kasi nararamdaman ng audience yan eh, ng mga tao, kung ibinigay mo yung kaya mong ibigay,” ‘yan daw ang pinakamahalagang natutunan ng Asia’s Diva.

Abangan sina Dulce, Rochelle Pangilinan at ang mga contestants ng Anak Ko ‘Yan, magsisimula na sa Agosto 26 sa GMA. – Text by CJ Mendoza, GMANetwork.com