Filtered By: Showbiz News | News
Source: lizzzuy (IG)
Solenn Heussaff, Anne Curtis, Isabelle Daza, at Liz Uy, may mini reunion kasama ang iba pang 'It' girls
Published On: May 20, 2022, 07:34 PM
Reunited ang 'It' girls sa kanilang fun night out at mini reunion!
Muling nagkita-kita ang tinaguriang 'It' girls na sina Solenn Heussaff, Anne Curtis, Isabelle Daza, Liz Uy, kasama pa sina Georgina Wilson at Bea Soriano-Dee sa isang Japanese restaurant kamakailan.
Sa Instagram, ipinost ni Liz ang video kung saan makikita ang highlight ng kanilang mini reunion.
"Reel friends," caption ni Liz sa kanyang post.
Makikita sa video ang masayang kulitan at kuwentuhan ng anim habang kumakain ng sushi, sashimi, tempura, at ramen.
Matapos ikasal at magkaroon ng sariling mga anak, ngayon na lamang ulit nakitang nagkasama-sama ang models, actresses, at ngayon ay celebrity moms na 'It' girls.
Samantala, silipin ang friendship goals na mga larawan nina Solenn, Anne, Isabelle, Liz, Georgina, at Bea sa gallery na ito:
Related Videos