IN PHOTOS: Mga babae sa buhay ni John Lloyd Cruz
Narito ang mga babaeng minahal ng aktor na si John Lloyd Cruz.
Kaye Abad
Nagkasama sina Kaye Abad at John Lloyd sa isang youth-oriented TV series noong late 90's to early 2000's. Ngunit no'ng 2012 lang inamin ng aktor na nagkaroon sila ng relasyon. Ilang buwan ding nagtagal ang relasyon ng dalawa.
Krista Ranillo
Si Krista ay nakilala rin ni John Lloyd sa same TV series kung saan nakilala niya si Kaye Abad. Ngunit tapos na raw ang relasyon nina Kaye at John Lloyd bago maging mag-girlfriend-boyfriend sina Krista at Lloydie.
Ciara Sotto
On-and-off ang relasyon ni Ciara Sotto at John Lloyd, ngunit ang aktres daw ang unang naging seryosong relationship ng aktor. Dalawang taon din halos naging mag-on ang dalawa.
Liz Uy
Nagsimula ang relationship nina John Lloyd at Liz Uy pagkatapos nila magkita sa Hong Kong. Mukhang destiny din na magkita muli ang dalawa sa Manila, at nag-date na nga ang stylist at actor officially.
Ruffa Gutierrez
Nagkakilala at naging close sina Ruffa at John Lloyd sa set ng 'I Love Betty La Fea,' isang Colombian remake kung saan co-stars ang dalawa. Mula 2009 hanggang 2010 nagtagal ang special relationship ng dalawa.
Shaina Magdayao
Dalawang taon nagtagal ang controversial relationship nina Shaina at John Lloyd bago sila nag-break no'ng 2012. Three years later, panandaliang nagkatrabaho muli ang dalawa sa TV series na Nathaniel.
Angelica Panganiban
Nagkakilala sina Angelica at John Lloyd habang magkasama pa si Lloydie at Shaina. No'ng mga panahon na 'yon, in a relationship pa si Angelica with Derek Ramsay. Co-stars pa ang dalawa no'n sa movie na '24/7 in Love' na ipinalabas no'ng 2012. Pagkatapos nila mag-filming para sa movie ay inamin ng dalawa na break na sila with their respective partners, at currently dating na rin ang co-actors.
Maja Salvador
Na-link si John Lloyd kay Maja pagkatapos ma-spot na magkasama ang dalawa sa isang bakasyon sa Davao. Agad naman nag-deny ang dalawang may relationship sila.