Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Jeff Moses, wala sa 'All-Out Sundays' prod number ng Sparkada dahil sa knee injury

By Gabby Reyes Libarios
Updated On: April 17, 2022, 07:38 PM
Bagamat di nakasali sa prodution number, malaki pa rin ang pasasalamat ni Jeff Moses dahil walang malubhang nangyari sa kanya at parte pa rin siya ng Sparkada ng Sparkle GMA Artist Center.

Labis na lang ang panghihinayang ng newbie artist na si Jeff Moses nang hindi siya napasama sa production number ng Sparkada sa All-Out Sundays na ipinalabas nitong tanghali lamang.

Para sa mga hindi nakapanood ng naturang episode, ipinakilala na ang bagong talents ng Sparkada at nagpakitang-gilas na rin sa pagsasayaw ang 16 na newbies habang kumakanta naman si Zephanie.

Bagamat kasama si Jeff sa intro video na ipinakita bago ang performance, wala siya sa mismong production number ng Sparkada talents dahil nagtamo siya ng injury sa kanyang left knee noong rehearsals kamakailan.

Ayon sa mga nakasaksi, nangyari ang aksidente nang magkamali si Jeff ng landing matapos mag-tumbling. Sa kanyang panayam sa GMANetwork.com, ikinuwento ni Jeff na nakarinig siya ng "crack" at "pop" sa kanyang tuhod pagbagsak niya.

Dahil na rin sa takot sa kanyang narinig na tunog mula sa kanyang tuhod, hindi agad nakakilos at nakatayo si Jeff. Kinailangan siyang buhatin ng fellow Sparkada talent na si Saviour Ramos papunta sa gilid ng stage.

"May nag-crack, parang may pumutok or something. Sobrang bilis ng pangyayari, natumba na ako, then nahirapan na ako tumayo, and then kinarga na ako ng isa sa mga Sparkada natin, si Saviour [Ramos] papuntang gilid ng stage."

Dahil di pa alam kung ano talaga ang kanyang lagay, sinabihan si Jeff na magpahinga na lamang at wag na bumalik sa rehearsal. Ngunit sa kagustuhan ng binata na makasali, nag-insist siya na makabalik sa practice. Pinayagan lamang siya sa isang kundisyon: na wala na siyang stunts na gagawin pa.

Ngunit sa di inaasahang pangyayari, bumigay ang kaliwang tuhod ni Jeff sa kalagitnaan ng kanyang pagsasayaw, dahilan para mag-collapse siya sa sahig. Dito na naramdaman ng Tiktok star ang matinding sakit, kaya naman kinailangan na siyang isugod sa ospital ng mga Medics na naka-standby sa studio.

"'Yung feeling na tini-twist 'yung tuhod mo literally. Gano'ng level ng sakit. But after a few minutes, na-okey naman kasi pina-take ako ng doctor ng meds. Hopefully, sana hindi ACL [anterior cruciate ligament injury] or ano pang injury. Walang ligament na naputol.""

Nang makarating sa ospital, bawas na ang sakit na kanyang nararamdaman. Binigyan na rin siya ng gamot para sa pamamaga ng kanyang tuhod. Wala mang nakababahalang findings sa X-ray, nakatakdang magpa-MRI na rin si Jeff upang makasiguro.

"I have high hopes na sana hindi [grabe] ang kundisyon ng tuhod ko and I will take time to rest, para makarecover sa injury ko.

"Pagnaglalakad ako, di naman siya masakit na. Uhm, may times lang talaga, may angle na parang sumasakit siya, na na-a-out of balance ako."

Malungkot man sa nangyari, malaki pa rin ang pasasalamat ni Jeff Moses dahil hindi siya pinabayaan ng kanyang Sparkada and ng Sparkle GMA Artist Center family.

"Nali-lift up ko 'yung sarili ko, all thanks sa mga kaibigan ko, sa Sparkada ko, at also sa Sparkle GMA Artist Center na hindi nila ako pinabayaan. Actually, grabe 'yung pinakita nila sa akin na concern, sobrang hands-on sila sa akin. At sinisigurado nila na maging okey ang kundisyon ko para makabalik ulit sa trabaho."

Kilalanin din ang iba pang fresh faces sa Sparkada sa gallery na ito:

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.