Kyline Alcantara, pangarap na makatrabaho si Bea Alonzo
Kamakailan lamang nang makasama ni Kyline Alcantara sa isang collab vlog ang hinahangaan niyang aktres na si Bea Alonzo.
Ayon kay Kyline, malaki ang pasasalamat niya sa oportunidad na makasama sa isang vlog si Bea at makakuwentuhan ito tungkol sa buhay, pag-ibig, at pangarap.
"I'm really grateful kasi si Ate Bea po 'yung nag-approach sa amin na mag-guest kami sa vlog niya. And then syempre kinuha ko na po 'yung time na 'yun para i-guest siya sa vlog ko," kwento ni Kyline.
Dagdag niya, "Nagpag-usapan po namin 'yung life, love, and career. Doon ko po na-realize na sobrang dami po palang wisdom ni Ate Bea. Ang sarap niya lang pakinggan everytime na magsasalita siya and ang dami kong natutunan sa kanya."
Sa isang press interview, inamin ni Kyline na isa sa mga pangarap niya ay ang makasama sa isang proyekto si Bea.
"Gusto kong makasama si Ate Bea kasi ever since po talaga iniidolo ko na siya and sobrang ganda niya sa paningin ko. If makakasama ko man siya it's such a big blessing," pagbabahagi ni Kyline.
Bilang isang aktres, itinuturing ni Kyline na isang inspirasyon si Bea Alonzo.
"Gusto kong makita 'yung sarili ko sa kanya sa future kasi syempre isa siyang Bea Alonzo and gusto ko rin pong makamit 'yung ganoong tipo ng success."
Samantala, mas kilalanin pa si Sparkle actress Kyline Alcantara sa gallery na ito: