KMJS: T-shirt galing sa ukay-ukay, umabot ng P90,000 ang halaga?
Sa nakaraang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, isang reseller ng secondhand clothes ang tila nakahanap ng ginto sa ukay-ukay nang umabot ng P90,000 ang isa sa mga binenta niyang t-shirt online.
Ang buong akala ni Shaira Earl Algara, ordinaryong t-shirt lamang ang binibenta niya.
Kasama kasi ito sa isang tumpok ng mga damit galing ukay-ukay na inorder niya mula Maynila sa halagang P5,500.
Ang itim na t-shirt na napasama sa order niya ay may naka-print na mukha ng isang lalaki at taong 1992. Itong t-shirt na ito ay mataas pala ang halaga.
Matapos niyang ialok ang t-shirt online, laking gulat ni Shaira ng may mga nag-bid na bilhin ito ng halagang P90,000.
Kuwento niya sa KMJS, "Nagulat ako, hindi ko inexpect na ganoon pala 'yung halaga nun."
"Pinost ko po siya sa Facebook, binibenta ko po ng P180. Hanggang sa may mga nag-bid na ng hanggang sa P17,000
Nang umabot ng ng P90,000 ang bid para sa t-shirt, napaisip na si Shaira kung ano ang kuwento sa likod ng lumang t-shirt na nakuha niya mula sa ukay-ukay.
Bakit kaya marami ang nagka-interes sa t-shirt na ito?
Panoorin sa KMJS:
Tingnan ang ilang memorable episodes ng Kapuso Mo, Jessica Soho.