Filtered By: Showbiz News | News
Manilyn Reynes and Athena Madrid
Showbiz News

Mag-inang minaltrato ng dating amo, tinulungan ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Isang bagong simula ang handog ng 'Wish Ko Lang' para kina Tinay at Rona na dumanas ng pambubugbog at pagpapahirap mula sa dati nilang amo.

Nasaksihan nating noong Sabado ang bangungot na dinanas ng mag-inang Tinay (Manilyn Reynes) at Rona (Athena Madrid) mula sa kanilang mga amo sa Maynila sa "Kasambahay" episode ng Wish Ko Lang.

Hindi na nga sila sinusuwelduhan, labis pa ang pambubugbog at pagpapahirap na dinaranas nina Tinay at Rona mula sa mag-inang Susan (Gilleth Sandico) at Kokoy (Lance Serrano).

Nang makatakas si Rona sa mansyon, agad itong humingi ng tulong sa awtoridad at nailigtas ang ina.

Maayos na ngayong nagsisimula sina Tinay at Rona sa Batangas. At para tuluyang makabangon mula sa masalimuot na karanasan, agad na nagpadala ng tulong ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.

Inilapit ng programa sina Tinay at Rona sa isang abogado para mabigyan ng legal assistance. Sa ngayon, hinihiling ni Rona na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanilang mag-ina.

Bukod sa legal assistance, binigyan din ng Wish Ko Lang sina Tinay at Rona ng negosyo package. Kasama na rito ang pasalubong business, gourmet tuyo business, pastry business, clothing business, footwear business, at isang beauty business.

Mayroon ding kitchen appliances, dining sets, frozen meat products, at dinnerware sets.

May handog ding libreng psychological assistance ang programa sa mag-ina para tuluyang makarekober mula sa trauma na naranasan sa kanilang dating mga amo.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ng programa ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, tingnan ang magagandang larawan ni Athena Madrid sa gallery na ito:

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.