Moon Embracing The Sun: Nalaman na ni Haring Lee Hwon na buhay si Yeon Woo
Sa ikapitong linggo ng Moon Embracing The Sun, ipinagtapat na ni Wol (Han Ga-in) kay Lady Jang na bumalik na ang kanyang mga alaala. Nalaman na rin ni Wol mula sa punong babaylan na si Prinsesa Mina ang birhen na tumulong para maisakatuparan ang sumpang kamatayan sa kanya noon.
Hindi na rin itinago ni Lady Jang kay Haring Lee Hwon (Kim So-hyun) ang katotohanan na si Wol at Yeon Woo ay iisa.
Sa pagbabalik ni Wol sa palasyo bilang si Yeon Woo, hindi na napigilan ni Haring Lee Hwon ang nag-uumapaw na kaligayang nararamdaman. Hindi na rin pinalagpas ng hari na muling mayakap si Yeon Woo makalipas ang walong taon.
Isang espesyal na regalo naman ang ibinigay ni Haring Lee Hwon kay Yeon Woo sa pagbabalik nito sa palasyo bilang kanyang kabiyak. Buong-buo naman itong tinanggap ng huli.
Samantala, hindi makapaniwala si Haring Lee Hwon nang malaman ang katotohanan na sangkot ang kapatid na prinsesa sa isinagawang sumpa noon kay Yeon Woo.
Labis naman ang pagmamakaawa ni Prinsesa Mina sa hari na huwag sabihin ang nagawang kasalanan sa kanyang asawa, na kapatid ni Yeon Woo.
Patuloy na subaybayan ang Moon Embracing The Sun, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 pm sa GTV.
Panoorin ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.