Collab nina Jessica Villarubin at Katrina Velarde, patok sa local at foreign YouTube reactors
Patok online ang latest duet nina Jessica Villarubin at Katrina Velarde kung saan inawit nila ang "I Surrender" ng Canadian singer na si Celine Dion.
February 19, 2022 lamang ito in-upload ni Katrina sa kanyang YouTube channel at nakakuha na agad ito ng libu-libong views sa loob lamang ng 24 oras. Sa ngayon ay may mahigit 200,000 views na ito sa platform.
Ayon sa vlog ng musical director at producer na si Adonis Tabanda, perfect song ang "I Surrender" para sa duet nina Jessica at Katrina na parehong Celine Dion fan at pareho ang vocal range.
Pinuri rin Adonis, na isa ring songwriter at arranger, ang magandang mixing ng kanta na nakatulong para mas ma-elevate ang performance ng dalawa. Ang "I Surrender" rendition nina Jessica at Katrina ay mula sa musical arrangement ni Bobby Velasco at sa audio mixing and mastering ni Teddy Katigbak.
Tinawag naman na halimaw sina Jessica at Katrina ng Pinoy band vocalist at engineer-based in Indonesia na si Nephi Acaling sa kanilang aniya'y "buwis-buhay" version ng Celine Dion classic.
"Nakaka-proud being a Filipino myself," sabi ni Nephi.
"Perfect match" naman ang komento ng Canadian YouTuber na si Ovela ng Music Game News sa duet.
"I like the fact that they did not stick to the original one. They really made it their own.
'They changed it a little bit. It ended in a suave, very sexy way. It was chill and sexy but the rest of it was freaking uplifting, a lot of building," ika ni Ovela.
Naalala naman ng US-based YouTuber na si Mathias Werner ang "When You Believe" duet nina Whitney Houston at Mariah Carey sa performance nina Jessica at Katrina.
"Intense. This is the level that we deserve, two powerhouse vocals in one room," sabi ni Mathias.
Tinawag ito na "remarkable" ng Cuban content creator na si Luis Portelles. Sabi niya, "Celine Dion would be so proud if she heard this."
Nagustuhan naman ng US-based content creator na may pangalang The Rage and The Worst sa YouTube na hindi nagsapawan sina Jessica at Katrina sa kanilang "I Surrender" song cover.
"It's on point with one another. They did not clash at all. Everything fits perfectly. They are true professionals, they know what they are exactly doing."
Impressed din ang iba pang foreign reactors tulad nina Den Silver, Glasses Kingdom, at Rainey TV sa performance ng The Clash winner kasama ang kaibigan at fellow singer na si Katrina.
Nagwagi si Jessica sa ikatlong season ng GMA musical competition ng The Clash.
Kilalanin pa ang magaling na mang-aawit sa gallery na ito: