Filtered By: Showbiz News | News
Rayver Cruz
Showbiz News

Rayver Cruz, naka-move on na at excited sa bagong serye kasama si Kylie Padilla

By Aimee Anoc
Updated On: February 17, 2022, 02:24 PM
Nilinaw ni Rayver Cruz na walang third party sa naging hiwalayan nila ng dating nobya.

Excited na si Rayver Cruz na salubungin ang isang bagong simula ngayong 2022.

Sa interview kay Nelson Canlas sa 24 Oras, sinabi ng Kapuso actor na naka-move on na siya sa pinagdaanang breakup noong nakaraang taon.

"Kapag nagmahal ka dapat marunong ka ring tumanggap ng sakit sa mga circumstances na pwedeng mangyari," aniya.

Nilinaw rin ni Rayver na walang third party sa hiwalayan nila ni Janine Gutierrez.

"Kinaklaro ko po na there was no third party involved specially from my end," dagdag niya.

Naniniwala ang aktor na "time heals all wound" at ngayon naghahanda na siya para sa bagong serye sa GMA, ang Bolera, kung saan makakasama niya si Kylie Padilla.

Sa sports drama, bibigyang buhay ni Rayver ang competitive at guwapong karakter ni Miguel, na isa ring billiard prodigy.

Ayon kay Rayver, malapit sa puso niya ang karakter na gagampanan dahil ang namayapang ama ang nagturo sa kanya ng larong billiards.

"May background naman ako sa paglalaro ng billiards. Hindi ako sobrang galing pero nandoon naman 'yung basics. Nagturo sa akin dati 'yung papa ko pa noong nabubuhay siya," pagbabahagi ng aktor.

Makakasama rin ni Rayver sa seryeng ito sina Jak Roberto, Joey Marquez, Jaclyn Jose, Ricardo Cepeda, at Gardo Versoza.

Panoorin ang buong interview ni Rayver Cruz sa 24 Oras:

Samantala, mas kilalanin pa si Kapuso actor Rayver Cruz sa gallery na ito:

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.