Kyline Alcantara, may buwelta sa mga basher na nagsasabing hindi siya marunong umarte
May reaksyon si Kapuso actress Kyline Alcantara para sa mga taong nagsasabi na hindi siya marunong umarte.
Sa kanyang vlog, nagbasa si Kyline ng ilang mean comments at articles tungkol sa kanya. Kung ang ibang pambabatikos ay tinanggap ni Kyline, umalma siya sa mga nagsasabihing hindi siya marunong umarte.
"During heavy dramas, wala po talaga akong pake sa mukha ko, as in, wala talaga akong pake. It's not about how I look, it's about how I feel. As long as maramdaman ng audience 'yung nararamdaman ng character ko at that moment in time, okay na po sa akin 'yun," paiiwanag ni Kyline.
"Wala po talaga akong pake kung pangit po talaga ako."
Dagdag ni Kyline, marami namang mga beteranong aktor ang nagsasabi sa kanya na marunong siyang umarte.
"Most po na nakakatrabaho ko, sinasabi naman po nila na marunong ako umarte. Oh, I don't need to prove myself."
Panoorin ang reaksyon ni Kyline sa mean comments at articles tungkol sa kanya dito:
Mapapanood si Kyline bilang si Tiffany sa huling apat na gabi ng I Left My Heart in Sorsogon sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
Samantala, tingnan ang mga magagandang larawan ni Kyline dito: