Debut film nina Ken Chan at Rita Daniela na 'Huling Ulan Sa Tag-araw,' mapapanood na online
Maaari nang mapanood online ang launching movie nina Ken Chan at Rita Daniela as love team na Huling Ulan Sa Tag-araw.
Ang Metro Manila Film Festival 2021 entry ay magiging available sa video-streaming platform na Upstream PH simula February 14, base sa latest Instagram post ng direktor ng pelikula na si Louie Ignacio.
Ang Huling Ulan Sa Tag-araw ay debut film nina Ken at Rita matapos ang kanilang tatlong taong pagtatambal sa telebisyon. Prinodyus ito ng Heaven's Best Entertainment.
Sa pelikula, lumalabas si Ken bilang Luis, isang seminarista na malapit nang magpari, samantalang si Rita ay lumalabas bilang Luisa, isang bar singer.
Masusubok ang debosyon ni Luis na pasukin ang buhay-relihiyoso nang mahulog ang kanyang loob kay Luisa.
Tampok din sa pelikula sina Lotlot De Leon at Richard Yap.
Bisitahin ang www.upstream.ph kung paano mapapanood ang Huling Ulan Sa Tag-araw sa local streaming service.
Samantala, magkakaroon din ng TV premiere ang Huling Ulan Sa Tag-araw sa GMA base sa omnibus plug ng Network para sa 2022 offerings nito na ini-release sa unang araw ng 2022.