GMA Logo Iya Villania
Photo by: screenshot from 24 Oras
What's Hot

Iya Villania, balik-trabaho na sa '24 Oras' matapos makipaglaban sa COVID-19

By Aimee Anoc
Published January 23, 2022 12:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Iya Villania


Nakabalik na si Iya Villania sa kanyang live "Chika Minute" updates sa '24 Oras' noong Biyernes, January 21.

Bumalik na sa kanyang trabaho sa 24 Oras ang host na si Iya Villania matapos gumaling mula sa COVID-19.

"Good evening mga Kapuso, I am so back!" pagbati niya Iya sa kanyang live "Chika Minute" updates noong Biyernes, January 21.

Nagpositibo sa COVID-19 sina Iya at Drew Arellano, maging ang tatlo nilang mga anak na sina Antonio Primo, Alonzo Leon, at Alana Lauren, noong ikalawang linggo ng Enero.

Noong January 18, ibinahagi ni Drew na "almost 100%" nang naka-recover ang buong pamilya mula sa virus.

Samantala, kasalukuyang ipinagbubuntis ni Iya ang ikaapat na anak nila ni Drew, na una niyang inamin sa Mars Pa More noong January 3.

Tingnan ang masayang pamilya nina Iya Villania at Drew Arellano sa gallery na ito: