
Nasaksihan natin noong Sabado, December 25, ang masaklap na sinapit ni Regina mula sa kamay ni Adan sa "Gayuma" episode ng bagong Wish Ko Lang.
Matinding trauma ang naranasan ni Regina () matapos na malaman ang katotohanan na ginayuma lang pala siya ni Adan (Dave Bornea), lalaking may matagal nang pagnanasa sa kanya.
Kaya naman sa tulong ng bagong Wish Ko Lang, lumapit sa isang eksperto si Regina para tuluyang makabangon mula sa masakit na nakaraan.
Binigyan din si Regina ng programa at ng Fairy Godmother na si Vicky Morales ng livestock business, bigasan business, foodcart at merienda business, milk tea business, yema spread business, at beauty product business.
Dahil nalayo nang matagal sa kanyang pamilya, handog ng programa ang isang staycation package para sa pamilya ni Regina.
Para sa pagdiriwang ngayong Disyembre, binigyan din ng programa si Regina ng Noche Buena package at mga bagong kagamitan sa kusina. Hindi rin mawawala ang tulong pinansyal para sa tuloy-tuloy niyang pagbangon.
Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ng programa ang susunod na tampok sa "Karibal" episode ngayong Sabado, January 1, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, bibida sa "Karibal" episode ng bagong Wish Ko Lang si Faye Lorenzo. Tingnan siya sa gallery na ito: