Filtered By: Showbiz News | News
Wish Ko Lang
Showbiz News

'Wish Ko Lang,' patuloy sa pagtupad ng kahilingan sa kanilang 'Christmas Tree ng Pag-asa'

By Aimee Anoc
Sa "Christmas Tree ng Pag-asa: Make Your Wish! Grant One Wish!" ng 'Wish Ko Lang,' mas maraming kahilingan ang mabibigyang katuparan ngayong Kapaskuhan.

Ilang araw na lamang, Pasko na! Ano ang wish mo?

Sa "Christmas Tree ng Pag-asa: Make Your Wish! Grant One Wish" ng bagong Wish Ko Lang, mas maraming hiling ang mabibigyang katuparan.

Ngayong Disyembre, naglagay ng Christmas tree ang bagong Wish Ko Lang para sa mga nais na magbigay kasiyahan at mabigyan ng pag-asa.

Para sa mga nais na magbigay ng regalo o kasiyahan sa kanyang kapwa, patuloy na tumatanggap ng tulong ang programa. Ipadala lamang ang inyong personal na mensahe sa Facebook page ng bagong Wish Ko Lang.

Sa mga mayroon namang kahilingang nais na matupad, iparating lamang sa itinakdang post ng bagong Wish Ko Lang ang inyong wish para sa pagkakataong mabigyang katuparan.

Para sa iba pang katanungan at detalye, bisitahin lamang ang Facebook page ng Wish Ko Lang (https://www.facebook.com/WishKoLangGMA/).

Samantala, huwag palampasin ang Christmas special episodes ng bagong Wish Ko Lang tuwing Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.