Ano ang sikreto sa pagpapatawa ni Michael V?
Kasabay ng pagdiriwang ni Bubble Gang star Michael V. ng kanyang 52nd birthday, ibinahagi nito ang sikreto sa mas natural na pagpapatawa sa mga manonood.Inside link:
Sa isang exclusive interview sa "The Howie Severino Podcast," nagkuwento ito kanyang "tricks of the trade."
"We took it as a challenge (taboo subject). 'Yung technic na 'yan natutunan ko kay Joey de Leon. Basta mayroon kang sinabi o ginawa dapat maipakita mo na ang ibig mong sabihin ay itong isang bagay at hindi 'yung iniisip nila," pagbabahagi ng komedyante.
Samantala, ipinakita ni Michael V. sa Instagram ang naging selebrasyon sa kanyang kaarawan kasama ang buong pamilya.
Aniya, "Nothing beats celebrating birthday with family. Sabi ko sa mga kakilala ko, paatras na ang edad ko once I turned 50. So today, I'm celebrating my 48th!"
Mahigit dalawang dekada na ngayong nagbibigay kasiyahan sa mga manonood ang comedy genius. At pagdating sa pagpapatawa, wala na yatang mas natural pa kay Michael V.
Tingnan ang iconic characters ni comedy genius Michael V. sa gallery na ito: