Stockholders ng GMA Network, inaprubahan ang P1-B na Authorised Capital Stock ng GMA Ventures Inc.
Sa special stockholders meeting ng GMA Network na ginanap virtually noong December 9, 2021, inaprubahan ang pagtataas ng Authorised Capital Stock ng bagong subsidiary na GMA Ventures Inc., mula P50-M hanggang P1-B.
Itinatag ang GMA Ventures Inc. (GVI) para sa investment at diversification ng GMA tungo sa plano nito na maging isa sa pinakamalaking conglomerate sa Pilipinas.
Ayon kay GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, kasalukuyang nang may mga pinagaaralang alok para sa posibleng acquisitions at ventures.
"Our diversification efforts to invest in businesses that are not related to our core business of broadcasting will be carried out by GVI. I can tell you that we have already made small investments in one or two so-called startup companies," pahayag niya sa special stockholder's meeting.
Ibinahagi rin ni Atty. Gozon na sa kabila ng pagbaba ng ekonomiya ng bansa, inaasahang malampasan ng GMA ang net income target nito ngayong taon.
Sa susunod na taon, naglaan din daw ang GMA ng halos P2-B na capital expenditures para sa expansion ng digital transmission ng network, upgrade ng post production capabilities, content playout facilities at expansion ng regional TV network.
Panoorin ang buong ulat ni JP Soriano para sa 24 Oras sa video sa itaas. Kung hindi ito ma-access, i-click lang ang link na ito: