Filtered By: Showbiz News | News
Mr  Queen
Showbiz News

Mr. Queen: Kim So Yong, to the rescue!

By EJ Chua
Magtatagumpay kaya ang reyna sa paghahanap kay Haring Cheoljong? Alamin sa 'Mr. Queen.'

Sa pagpapatuloy ng Mr. Queen, hindi na magpapapigil si Kim So Yong sa pagtukoy sa katotohanan tungkol sa biglaang pagkawala ni Haring Cheoljong.

Mula nang lumabas ng palasyo ang hari, hindi na maitago ng reyna ang lubos na pagkabahala nito.

Pinili kasi ni Haring Cheoljong na huwag ipaalam sa reyna kung saan siya tutungo.

Matapos ang ilang araw na paghihintay, nagdesisyon na ang reyna na alamin ang ilang detalye tungkol sa pag-alis ng hari.

Kahit nakarating na sa reyna ang nangyari sa hari, buo pa rin ang kanyang paniniwala na magkikita silang muli.

Kaya naman kahit lubos na mapanganib, tila desidido na si Kim So Yong sa binabalak niyang pagtakas sa palasyo upang hanapin si Haring Cheoljong.

Ngunit kahit buo na ang kanyang loob na umalis, tila mayroong gustong humarang sa kanyang mga plano.

Mapipigilan ba siya ni Kim Byeong In?

Magtatagumpay kaya siya sa masamang binabalak niya laban sa reyna?

Anu-ano ang mga kayang gawin ng reyna para kay Haring Cheoljong?

Sinu-sino ang magkakampihan sa pagsibol ng mas matitinding kaguluhan at alitan?

Ang pagsibol ng kaguluhan

Abangan ang mga kasagutan sa Mr. Queen, mula Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.

Kilalanin ang Mr. Queen cast sa gallery na ito:

Related Videos
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.